Uncertainty of baby's gender

Hello mommies share ko lang po yung experience ko gustong gusto ko na kasi malaman gender ni baby para makabili na din ng mga gamit niya.. im 26 weeks pregnant.. last month po yung firsr attempt namin na malaman yung gender ni baby pero hndi pa prominent kaya ayaw magcommit ng ob ko.. yung ob ko po may sariling ultrasound machine at the same time obstetrician din siya.. bale last month po during my ultrasound ang nakita lang e may maumbok sa mismong genitalia ni baby maumbok talaga parang balls pero sabi ni obgyne baka naman matambok lang na pempem.. pero walang nakalawit at nahaharangan ng umbilical cord.. so sabi niya hndi muna icocommit gender nya mahirap na dahil hndi daw makita ng maayos pero malaki daw ang chance na girl. Pinabalik ako after a month and that was last saturday. So ayun nga po during my ultrasound dikit na dikit legs ni baby breech position po siya so kita agad ung pwet nya hehe. Nahirapan ob ko dahil sa pang iipit nya flat talaga ung nakikita nya parang peanut daw.. although ung hiwa e hndi din prominent pero hiwa daw syang nakikita.. tinitignan ko din po mabuti kaso wala talaga kong makitang lawit.. so inexpect ko na po talaga na baby girl sya naexcite na din ako bumili ng mga damit nya kasi di ba mas madaming magagandang design ang damit ng baby girl.. then sabi ng ob ko "I think it's a girl. Ano ba sabi ko last month? Girl dba?" Sagot ko naman "parang po. Kasi ayaw niyo pa po magcommit hehe" alam niyo po parang nafifeel ko na hndi pa sure si ob kasi ipit na ipit talaga kaya parang nagdoubt ako hehe pero nagpicture na po sya at naglagay na ng remark na GIRL. at dahil parang hndi ako maconvince na sure na talagang girl kinausap ko si baby sabi ko galaw ka na pls tapos marahan kong inalog konti tyan ko kasi ang tagal ng nakadiin sa tyan ko ung probe masakit na din.. tapos ayun po sumipa sipa sya nag close open legs nya at biglang may lumabas na lawit! ??? sabi ni ob "hala teka teka! Parang may lawit! Parang may nakikita akong lawit!" Engrossed na kami masyado ? tapos sa kakagalaw ni baby naging cephalic agad ung presentation nya ? kung d ko pa inalog ung tyan ko hndi din sya gagalaw galaw ng ganun ? umuwi kaming masaya at shocked dahil possible pala ung ganun pang girl ang makiktang genitalia pero naiipit lang pala ung lawit ? nakita sa ultrasound image na may dalawang bilog tapos may nakalawit dahil nakabukaka na siya ? then sabi bi ob eto sure na ako boy talaga kasi ayan ung balls nya tapos ayan ung lawit. ? after ng check up ko dumiretso na kami sa mall, tta ko pi at dalawang pinsan ung kasama ko that time, bumili na kmi ng damit nya na pang boy. pero ngaung umaga lang po parang naiisip ko sure na ba na boy o baka naman part ng umbilical cord ung nakita? Parang nakakapraning tuloy.. parang gusto ko po magpaultrasound sa iba ? ano po sa tingin niyo? Thank you po..

1 Replies

Search mo sa facebook "Nub Theory: Early Gender Prediction" at Nub Theory: The Gender Nub Specialist. Group siya na nagguguess kung anong magiging gender ng anak mo based on your scans.

Thank you po 😊

Trending na Tanong