Advice

Hi mommies! Seeking for advice here. So here's the situation. Nagdududa husband ko sa baby namin kung anak nya daw ba ito or hindi. Nung nagbuntis ako hanggang sa napanganak ko baby namin lagi nyang tinanong (as in ilang beses araw araw) "Baby ko ba yan? Sigurado ka?" Faithful ako sa kanya. At sya ang nakauna sakin and wala akong ibang nakapartner. The thing is, dati nahuli ko syang may kachat na babae na magkikita sila to have s**. Tapos ung kasalanan nyang yun, pinapasa nya sakin. Na ginantihan ko daw sya ganun. And sobrang pagdududa nya sa baby namin. Yung baby namin, carbon copy nya. Ultimo blood type nya, nakuha ng baby namin. Tapos gusto nyang ipa DNA test si baby. Pumayag naman ako kung yun ang ikakatahimik nya pero nababastusan ako sa kanya. Nasasaktan ako. Sya yung may kasalanan pero pinapasa nya sakin tapos dinamay nya pa si baby. Mommies, please pa advise naman.

80 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan po talaga pag may kasalanan sila. Di nila magawang umamin at magsorry kasi nakakababa ng pride nila. Kaya papalabasin nila na ikaw ang gumagawa ng kasalanan or ginagantihan mo sya. Natatakot kasi sila na gawin din nating mga babae ang mga kalokohan at kasalanan nila. Sa totoo lang yan ang panakot ko sa partner ko nung bago pa lang kami, na kapag nambabae sya, manlalalaki naman ako. Kaya sa nung nahuli ko sya na may babae, hindi sya mapakali mayat maya syang tumatawag para icheck ako. Akala nya siguro tinutotoo ko yung banta ko pero syempre di ko naman gagawin yun. Kaya lang katulad ng asawa mo, nagdududa rin sya kung kanya ba yung pinagbubuntis ko ngayon. Nagtataka daw kasi sya dahil withdrawal naman daw yung ginawa namin. Kaya may kasalanan din ako sa part na yun, tumatak kasi sa isip nya na kaya kong manlalaki kung gugustuhin ko. Pero hindi ko kayang gawin yun sa kanya at alam kong sya ang ama ng anak ko walang iba.

Magbasa pa