Paano patabain si baby?

Hello mommies. Si baby kasi nag tae sya ng ilang araw. As in sobrang watery po nung pupu nya then sa result naman ng test ng pupu nya since pinacheck namin is NO OVA OR PARASITE SEEN. namayat si baby pero malakas naman po syang kumain tsaka madami din uminom ng water nya. Ano po kayang ok na vitamins ang pwede nyang itake para gumanda ulit ang katawan ni baby po? Gusto ko kasi yung mejo chubby chubby ulit si baby ko. Vitamins nya po ngayon is TIKI-TIKI AND CEELIN po. Hindi ko rin po kasi sure kung sa milk din po nya. Mixed feeding po kasi si baby. Sa gabi po sakin sya nagdede tapos pag araw naman po since nasa work ako eh bottle feeding po sya. lactum po ang milk ni baby. 1 year and 4 mos na po sya. Any suggestions mommies para po chubby chubby uli ang baby boy ko. Thank you

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

by start ng toddler yr, nagsstart na rin kasi parang payat ang baby dahil dumadami na ang activities nya. may mga babies na payatin din talaga dahil sa genes din. ang pagpray mo na alng since magana naman kamo kumain e wag maging sakitin. di lahat ng chubby babies ay healthy kasi. kung vitamins p, better na ask ka sa pedia. try mo rin magserve ng food kay baby na rich in proteins para sa muscles and energy/strength.

Magbasa pa