Advice

Hi mommies! Seeking for advice here. So here's the situation. Nagdududa husband ko sa baby namin kung anak nya daw ba ito or hindi. Nung nagbuntis ako hanggang sa napanganak ko baby namin lagi nyang tinanong (as in ilang beses araw araw) "Baby ko ba yan? Sigurado ka?" Faithful ako sa kanya. At sya ang nakauna sakin and wala akong ibang nakapartner. The thing is, dati nahuli ko syang may kachat na babae na magkikita sila to have s**. Tapos ung kasalanan nyang yun, pinapasa nya sakin. Na ginantihan ko daw sya ganun. And sobrang pagdududa nya sa baby namin. Yung baby namin, carbon copy nya. Ultimo blood type nya, nakuha ng baby namin. Tapos gusto nyang ipa DNA test si baby. Pumayag naman ako kung yun ang ikakatahimik nya pero nababastusan ako sa kanya. Nasasaktan ako. Sya yung may kasalanan pero pinapasa nya sakin tapos dinamay nya pa si baby. Mommies, please pa advise naman.

80 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Naku. Ganun talaga pag guilty. Ibabato sayo yung kasalanan/kalokohan just to justify themselves. Sige po. Ipa DNA tests nyo ng matauhan ang asawa mo. If ayaw pa rin nya sa results, parang wala naman reason para magsama pa kayo. Kakayanin mo naman palakihin ang baby nyo mag-isa. Moms are tough. Mahirap mamuhay sa taong ibiniblame sa iba ang kalokohan nila. On the other side, try nyo magpacounselling mag asawa. Seek professional advice or advice from leaders sa church nyo. Baka makatulong sila na maayos kayo. Pero kailangan talaga magbago ng asawa mo para magsucceed ang marriage nyo.

Magbasa pa