Advice

Hi mommies! Seeking for advice here. So here's the situation. Nagdududa husband ko sa baby namin kung anak nya daw ba ito or hindi. Nung nagbuntis ako hanggang sa napanganak ko baby namin lagi nyang tinanong (as in ilang beses araw araw) "Baby ko ba yan? Sigurado ka?" Faithful ako sa kanya. At sya ang nakauna sakin and wala akong ibang nakapartner. The thing is, dati nahuli ko syang may kachat na babae na magkikita sila to have s**. Tapos ung kasalanan nyang yun, pinapasa nya sakin. Na ginantihan ko daw sya ganun. And sobrang pagdududa nya sa baby namin. Yung baby namin, carbon copy nya. Ultimo blood type nya, nakuha ng baby namin. Tapos gusto nyang ipa DNA test si baby. Pumayag naman ako kung yun ang ikakatahimik nya pero nababastusan ako sa kanya. Nasasaktan ako. Sya yung may kasalanan pero pinapasa nya sakin tapos dinamay nya pa si baby. Mommies, please pa advise naman.

80 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din nangyari saken nung nag positive ako sa pt agad kong sinabi sa partner ko. Hindi maniwala na sakanya nga dinadala ko. Halos isang buwan kame hindi magkasundo. Lagi sinasabi nyang imposible daw sakanya baby ko. Until 1 day pag bangon ko sa kama bigla ako napaharap sa salamin. Nahiya ako sa sarili ko. Naisip ko bakit koba pinag sisiksikan sarili ko sa ganung klaseng tao. Nadadamay pa baby ko sa nangyayari sa amen ng tatay nya. Hanggang isang araw nag decide ako umalis sa bahay nya ng walang paalam. Bitbit ko lahat ng gamit kong umuwi sa amen. Ayun natauhan naman ang mokong. Akala nya siguro lulunukin ko nalang lahat ng sinasabi nya. Kaya momsh mag isip isip kana din. Tumingin ka sa salamin at tanungin mo kung tama paba yang ginagawa sayo ng partner mo. Sorry napa haba comment ko 😅

Magbasa pa