Advice

Hi mommies! Seeking for advice here. So here's the situation. Nagdududa husband ko sa baby namin kung anak nya daw ba ito or hindi. Nung nagbuntis ako hanggang sa napanganak ko baby namin lagi nyang tinanong (as in ilang beses araw araw) "Baby ko ba yan? Sigurado ka?" Faithful ako sa kanya. At sya ang nakauna sakin and wala akong ibang nakapartner. The thing is, dati nahuli ko syang may kachat na babae na magkikita sila to have s**. Tapos ung kasalanan nyang yun, pinapasa nya sakin. Na ginantihan ko daw sya ganun. And sobrang pagdududa nya sa baby namin. Yung baby namin, carbon copy nya. Ultimo blood type nya, nakuha ng baby namin. Tapos gusto nyang ipa DNA test si baby. Pumayag naman ako kung yun ang ikakatahimik nya pero nababastusan ako sa kanya. Nasasaktan ako. Sya yung may kasalanan pero pinapasa nya sakin tapos dinamay nya pa si baby. Mommies, please pa advise naman.

80 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Grabe naman siya. Kadalasan nga po ganyan, kasi yung mga taong merong nagawang mali sa iba, takot ding magawa sa kanila. Ask him, yung huling tanong na at sabihin mong last usap niyo na yun about dun, kung meron namang patunay na siya yung tatay, ilatag mo. Tas magkasundo kayo na, enough na yung duda sa anak. Kung after nung matinong usapan niyo at kasunduan at talagang duda pa din siya. Better leave him! Kung ikaw naman sa sarili mo, you know the truth, wag mo ng ipilit sa taong ganyan. Napakatoxic niyan for you. Pano kung malaki na anak niyo, naririnig niyang ganyan tatay niya. Masakit yun para sa anak mo. Kamo pag inulit niya pa’t nagduda siya, iiwanan mo na siya.

Magbasa pa