LOOB NG PUSOD NI BABY

Mommies, pasagot naman po pls nakaka worry kasi..normal lang ba to? 6 days old baby ko nung natanggal ung sa pusod niya tapos continues padin ako til now na every maligo sya lagi ko tinatakpan ng bulak at bigkis para di mabasa. kaso pansin ko simula nung natanggal , ung sa loob eh parang basa basa pa. 19days old napo siya now. every tanggal ko nung bulak na nilalagay ko lagi meron nasasama na dugo or mga buo buong dugo. paunti unti pasagot naman mga mi ano ba dapat gawin? para magheal or matuyo na ung sa loob ng pusod nya. thankyouuuu po sa sasagot ps: mejo blurry ung mga pic malikot kasi baby ko nung kinukuhaan ko ng pic na yan.

LOOB NG PUSOD NI BABY
6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sabi po ng doctor, after hugasan/linisin ay dpat lagyan po ito ng refined alcohol at patuyuin palagi ang part ng pusod ni baby. Wag nyo po itong takpan dahil nag ko-cause po ito ng moist at matatagalan ang pag heal ng pusod. Kay baby ko 2 weeks lng fully healed na yung pusod ni baby

wag mo po takpan para matuyo, hindi po advisable ang bigkis as per my baby's pedia. alcohol lang po sa cotton buds ipanlinis lagi

sa panahon po ngayon, hindi na po advisable ang bigkis. lagi pong lilinisan ng alcohol every diaper change.

Hi my. Pag may discharge, might as well consult your pedia para maiwasan ang infection

My nireseta samin yung pedia nya na pampatuyo ng pusod foskina ointment 3x a day

wag mong takpan para matuyo. alcohol lang.