Angelica Alfonso-Perez profile icon
GoldGold

Angelica Alfonso-Perez, Philippines

Contributor

About Angelica Alfonso-Perez

First time mommy ❤

Posts(10)
Replies(163)
Articles(0)

PROBLEM

gusto ko lang magrant, nakakainis kasi yung parents ng husband ko. masyadong nakikialam sa anak namin. kakapanganak ko lang nung 18, oo alam ko naman na sabik na sabik sila sa baby dahil yung bunso nilang anak is 17 years old na, gustong gusto na nila magka-apo, dahil nung mag jowa palang kami ni hubby nagrerequest na sila ng apo. sabik sa bata, i understand. kaya lang minsan nakakainis na din, 4 days palang baby namin hinahalik halikan na at pinipiga piga yung pisngi tapos inaalog alog ng father ni hubby. nakakainis kasi bawal ikiss at ganunin ang baby, pinagbabawalan ng hubby ko kaya lang ang tigas ng ulo kesyo wag daw magselan sa bata ganon ganyan tapos yung mother naman nya sabing bawal bigkisan, pilit na pinapabigkisan. wag daw gumamit ng ganto, ng ganyan. ganto daw gawin ganyan. alam nyo yun? daming alam, daming side comment, daming pamahiin, daming sinasabi. nakakastress na nakakainis! tapos sinasabi pa nung baby daw husband ko ganun daw ginagawa nila. eh iba ang style ng pagpapalaki ko, sa pagpapalaki nila. nakakainis lang talaga. tapos tulog pa si baby bigla biglang bubuhatin tapos aalog alugin para magising. hahalik halikan tapos pipigain pisngi. nakakabadtrip! di ko lang masabi na "bawal ikiss. bawal alugin. bawal pigain pisngi" di ko lang masabi na "iba po yung pagpapalaki nyo sa pagpapalaki ko bilang magulang" gustong gusto ko ng magsalita. kaso di ko ginagawa kasi mabait naman sila sakin, gusto ko din sana sabihin sa asawa ko kaso baka mag away lang kami. minsan pag hinahawakan nila nagii-sneeze si baby kasi sa dumi or alikabok. nakakabwisit, kung pwede lang lumipat ng bahay gagawin ko. may sarili na kaming bahay kinakatok pa kami para lang makuha yung baby tapos ganunin. gusto kong sabihin na ayokong ginaganun anak ko kaya lang nagtitimpi ako baka magkasamaan lang kami ng loob pare pareho. nakakainis talaga! ayoko pa naman sa lahat yung nakikialam. lahat kasi pinapakialaman nila, lahat ng bawal ginagawa ng father ng asawa ko sa baby, lahat naman ng ginagawa ko may nasasabi at masasabi mother nya. hanggang binyag nga gusto sya magdecide kung ilan ninong at ninang. nakakairita lahat pinapakialaman. gusto ko nalang tuloy ipagdamot anak ko. gawa nalang silang sarili nilang baby. nakakainis kasi! yun lang, SKL.

Read more
 profile icon
Write a reply