Maarte daw ako???

Mommies maarte ba ko kung naiinis ako sa lip ko dahil napakadamot nya sakin, ultimo sa charger ng phone, masama pa loob pag nang hiram ako, papasok kami ng mall sya lang nagsuot ng face shield, nagiisa na lang kasi ung face shield sa kotse. Nagpaparinig pa ko na "wala ng faceshield?" inaantay ko na ibigay nya sakin, wala talaga syang pake. Nakakainsulto na mas inuna pa nya sarili nya kesa sakin na Girlfriend nya. Sabi ko sakanya "ang gentleman mo ah" sabay nahiya sya inabot nya sakin, eh suot na nya, di ko na tinanggap. ayoko kasi sa lahat ung bastos, at kelangan mo pang turuan ng dapat gawin. Tas nagwalk out ako, ending umuwi na lang kami. Eh samantalang ako bigay ako ng bigay sakanya kapag may pera ako. Libre dito libre doon, bibilhan ko sya gamit nya, Tapos ako pa sasabihan nyang sobrang arte, feelingera daw ako dahil nagtampo ako sa pagiging selfish nya. 😢

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

You need to accept each other's differences po. Set your expectations with each other. Sabihin mo sa kanya kung ano yung mga ayaw mo, and tanungin mo rin sya ano mga ayaw nya sayo. Then parehas kayo mag adjust for a healthy relationship. Hindi yung hindi mo lang nagustuhan yung ginawa nya, nag walk out ka na. Walang nareresolve sa pagwo-walk out, unless parehas kayong mainit ang ulo, para maiwasan na magkasabihan kayo ng masasakit na salita, then tell him that you need space. Pumunta ka muna somewhere na wala sya, hanggang sa maclear mo utak mo at utak nya na rin bago kayo mag usap. And one more thing, wag mo pong isusumbat mga binigay mo sa kanya, kasi hindi mo naman siguro binigay yun para makakuha ka ng kapalit di ba? Kaya ayun. Wag mo pong gamitin sa mga away nyo yun.

Magbasa pa
4y ago

kung nananakit at bastos sayo, hndi na po kailangan pag isipan yan.iwan mo na