Baby's Spit Up/ Overfeeding?

Hi, Mommies. Would just like to ask lang po if may same case dito. My baby is turning 2 months sa Aug. 17. EBF po kami. Sa nababasa ko sa isang breastfeeding group sa FB, there is no overfeeding kapag BF daw. Pero last July, nung check-up ni baby, kinonsult ko sa pedia niya yung paglulungad, possible daw overfed si baby. Okay naman na ako na naglulungad si baby kasi normal naman daw. Ang concern ko lang is kahapon kasi, sobrang dami ng lumabas na gatas sa kanya. Nagpanic ako. Nakahiga kasi siya sa crib then palapit pa lang ako kasi sabi ko ang behave ni baby, hindi siya fussy, biglang parang fountain yung lumabas na gatas. Buti nandun din yung asawa ko, nabuhat at naitayo niya si baby agad kaya hindi napasukan sa ilong. Pero sobrang dami talaga nung lumabas to the point na yung lumabas na gatas, lumagpas pa sa crib while nakahiga siya 🥺 Nilabhan na namin yung foam niya, yung cover ng foam and yung latag pa. Inoobserve din namin si baby kasi hindi siya umiyak nung nangyari yun, wala ding fever, dumedede pa din and color gatas lang naman yung lumabas. Iniisip ko tuloy baka talagang nasosobrahan na kaya siya? Feeding on demand kasi kami. Next week pa yung schedule niya na balik sa pedia. Baka lang po may same case dito, nakakapag-alala lang kasi, parang ayoko na tuloy na maiwan siya na nakahiga sa crib na walang nakabantay. 🥺 Thank you po. #1stimemom #pleasehelp #firstbaby #theasianparentph

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply