Parents prob

Hi mommies Iknow na bata pa ako but hear me out. Please don't judge me. Hi I'm a FTM and 18 yrs old Since my parents knows na nabuntis ako ng maaga Tinanggap nalang nila Ang I'm thankful for it ha alam kung mali ako pero ito na. I'm already 21 weeks preggy And parents ko may ibang plano para saakin at ng baby ko They don't like my partner (Babydaddy) And ayaw nila na magkasama kami ng iisang bahay until graduate na ako ng college i respect their decision. Pero Iba na mommies Gusto nila sila yung mag decide sa name ng baby staka sa last name nya. gusto ko po sana dadalhin ni baby apelyedo ng daddy nya. pwede po ba yun? 6 yrs gap kami ng partner ko, And ito pa mommies Pag uuwi daw kami s province namin gusto ng parents ko na e secret na saakin daw si baby gusto ng relatives side ng mama ko na ang sabihin sa mga tao na si baby e sa kanila ng parents ko i try to talk with my parents pero ayaw nila makinig anong gawin pwedeng gawin mga mommies😭 pwede po ba sa partner ko yung apelyedo ni baby kahit hindi kami kasal?

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pwede mo i-apelyido kahit hindi kayo kasal. Basta sure ka na yung partner mo ngayon ay yung talagang feel mo na makakasama mo habangbuhay. Hassle din kasi papalit-palit ng apelyido ng anak, lalo na kapag maghihiwalay lang pala. Tapos yung anak mo, magtataka bakit iba na naman apelyido niya. Huwag ka pumayag na kunwari sa parents mo yung baby. Mali yon. I suggest na bumukod ka. Bata ka pa, pero adult ka na. 18 is adult na. Live with your partner lalo na kung mabait at may work partner mo. Kayong mag-partner ang kumayod para bumuhay sa baby niyo at magpa-aral ng sarili mo. Pwede ka actually humanap ng work-from-home job para masustentuhan ang new family mo kahit buntis. Ang na-vivibes ko lang sa parents mo, feeling ko lagi nilang isusumbat sa'yo yang "pagkakamali" mo na nagpabuntis ka ng hindi ka pa tapos. Na pinag-aral ka pa rin nila kahit ganyan yung nangyari sayo. Kasi bakit pa need itago na sayo yang anak mo. Sumama ka na sa partner mo. Kayo ang gumawa ng buhay niyo. Pero kung wala kayong kakayanang buhayin ang baby niyo at "aasa" na lang talaga sa parents, wala kang halos magagawa kung hindi sumunod. Ganyan ang consequence kapag iaasa pa sa magulang.

Magbasa pa

Well actually.. In your case, kinakahiya ka ng parents mo. Kase if ok sakanila and tanggap nila na nabuntis ka , well.. Di dapat sila nakkealam, ur already 18 that's considered an adult. And pano ka mattuto if nakkialam parents mo. They should know that it's your decision to make. Lalo na't ikaw yung may karapatan sa bata, you should decide on what is right. Mag usap kayo ng partner mo.. Kahit naman sinong magiging tatay di papayag na di magiging kaapelyido anak niya. And since he's older than you. He has to take full responsibility sainyong magina niya. Ipaglaban niya dapat kayo. Be mature, take full responsibility with your actions. You will definitely learn from your mistakes. Don't let others decide for you. Kase di ka mattuto.

Magbasa pa

one of the best advise eh wag mo na lang e paapilido sa daddy kase hindi pa kayo kasal not unless pakasalan kana nya bago ka manganak kahit sa west lang. ung reason eh dahil bata ka pa baka di kayo magtagal mejo magulo din kase parents mo and i think hindi ka pede magdisisyon sa ngayon about sa nangyayare kase if ever kaya mo bat kapa nagtatanong. ung sa paglilihim is a big no no. hindi kelan man dapat itago ang bata. in the end lalabas at lalabas paren naman ung totoo magiging sinungaling lang ikaw at ung parents mo sa harap ng mga tao and dinamay nyo pa ung bata. 🤔 nanay kana dapat matigas na ung loob mo at magkaron ka ng paninindigan sa anak mo

Magbasa pa

. Mahirap po gnyan sitwasyon mii, but your in legal age namn po alam mona po yung ikakabuti/ikakasam ng baby nyo, and much better kung kausapin mopo parents mo with your partner mahirap kasi yung nakiki-alam yung parents mo, actually mii, im already 17years old nung mabuntis sa 1st baby ko, i know na sobrang aga pero both sides na parents nmin they support as at nkabukod din kmi sa lahat, hndi kami pinapakelaman ng mga parents nmin, kaya mas nagsikap kmi para sa family nmin, and also nka apelido din po two kids ko sa hubby ko kahit hndi kami kasal

Magbasa pa

Advice ko lang sayo, kausapin mo ng mabuti parents mo lalo na sa last name ng baby nyo. Actually pwede naman na di muna gamitin last name ni partner mo at pwede din gamitin kahit di po kayo kasal, pero regarding naman sa itatago ang baby mo sa relatives ng mom mo at sasabihin na ANAK nila, very wrong yun beshy kasi sa totoo lang apo nila yan dapat di nila yan ahh ikakahiya or itatago. Dapat maging patas sila, anak ka nila kung tanggap nila dapat tanggap din nila ang sasabihin ng ibang tao. Ganoon lang iyon.

Magbasa pa

Kausapin mo po ang partner mo dahil future nyo po yan. Isa pa sabi mo po 6years gap nyo (I assume mas matanda sya). Dapat maging accountable po sya at magtake ng responsibility. dun naman po sa part na gusto mo name ng father eh may pinipirmahan pong consent dun given na di pa kayo kasal. pag kinasal naman kayo aayusin nyo ulit ang bc ni baby.

Magbasa pa

maiintindihan mo pa yung di muna ipapa apelyido sa tatay yung baby eh. pero yung itatago na hindi sayo yung bata is mali. Ibig sabihin kinakahiya ka talaga ng magulang mo. hindi na para sa kapakanan nyong mag ina yon. para sa kapakanan na ng magulang mo yon. very wrong.

pwede naman yon☺️ apilyido ng tatay. pero kung AKO ha! sa akin ko gusto iapilyido kung di pa kami kasal. Baby niyo yan kayo ni partner ang mag usap. the more na nakikialam ang parents sa buhay mag asawa mas nagiging magulo. 🙂

2y ago

hindi naman siguro sa nakikiaalam ang parents sa magasawa kasi nga she is just 18 + literally di naman sila magasawa so for me yung guidance ng parents should not be mistaken as pakikialam given her young age siguro ilast name mo muna sayo

VIP Member

Dahil nasa boundary ka pa ng minor, I suggest bumukod ka kung my kakayahan kayo ni partner mo. Kasi the more na ang parents mo mag sustain sa daily needa niyo ng baby mo, parents mo ang masusunod

Unless kaya kang suportahan ng partner mo pwede mo ipagpilitan gusto mo na sa kanya iapelyido pero kung parents mo gagastos sayo, you have no choice.