Need help from BREASTFEED MOMMIES 🥺

Hello mommies! I need your advice please. Nung manganak ako kay Kurt last Nov. 1 pinauwi samin ng Pedia nya ung formula na ininom nya sa ospital which is yung Nan. Never ko pa kasi natry magpalatch nun kasi CS delivery ako and sobrang di ko pa kaya mag ggalaw and hindi namin dala yung pang pump ko. Then nung mauwi kmi sa bahay agad agad kong sinubukan magpump and BOOM!! Sobrang lakas ng tulo ng gatas ko, yun dw yung liquid gold. Sobraaang saya at sarap sa feeling na iyun yung napapakain ko sa baby ko. 🙏🏻☺️ Hanggang sa lumakas na ang demand ni baby lalong ndadagdagan ang supply ko to the point na pati damit na suot ko tlagang basang basa palagi dhl sa tulo ng gatas. Nagawa ko tuloy mag pump at magstock sa ref kaso iilan pa lang dahil HONESTLY :( naging tamad ako, naging irresponsible ako kasi di ako nagkaron ng stick schedule to pump. So ang nangyari mixed si baby, formula + breastmilk. Ok lang naman kasi kung di ko pa kaya talga na maging EBF. Kasi may times din na umiiyak na si baby need nya na ng milk pero di pa ko nakakapagpump, so formula muna ang npapainom namin. Fast forward.... natigil ako sa pagpump mga 2 weeks dahil nung mag ookasyon nung December! Di ako masyado npag iinom ng water, sobrang hina. Tapos komo may mga events nung Dec, di ko naiwasan nainom ako ng beer (pero sympre nag consult na muna ako sa OB nun, pde nmn dw pero di ka magppadede and mild lng mga 1 bot lng) which I did. Kasi nga nahinto din nmn ako ng pump. Now mu concern is.. parang nanghinayang ako bigla sa opportunity na binigay skn ni Lord 🥺 though, kinakaya nmn bumili ng gatas for my baby. Pero iba pa din kasi yung LIGAYA na una kong naramdaman nung napadede ko si baby gamit yung gatas ko. Parang namimiss ko yung ganong bonding namin 1 on 1. 💔 So nagbuy ako ng MEGA MALUNGGAY capsules thinking na baka manumbalik yung gatas ko while intake ako nun. So uminom ako 3x a day and nung night nagpump ako, natuwa ako kasi nakita ko na may gatas pa din ako kaso patak patak lng sobrang hina nag wait ako ng 15-20mins talagang di na tumaas yung milk sa bottle wala pang 1oz. As in parang tira lng ni baby pag tapos na sya dumede, ganon lang yung level ng pareho kong boobs nung magpump ako. Now my question is.. ubra pa po ba bumalik yung gatas ko since may lumabas nmn kaso mahina nga lang? And what are the tips na pwede ko pong gawin just to get back to breastfeeding/pumping? Sobrang gusto ko po bawiin yung moment na yun. 2mos old palang po si baby ko. Any advice pls? Handa akong i-letgo yung mga bawal para manumbalik lng pag gagatas ako at gusto ko gawin yung makapag imbak ng mdami at mkpag donate someday sa mga nangangailangan. Sobrang lakas po kc tlaga ng milk supply ko nung nanganak ako. This December lng tlga nahinto ako, and di ko alam na hihina pala sya :'((( just because hininto ko for awhile. Yung 1st photo = milk supply ko BEFORE Yung 2nd & 3rd photo = RECENTLY lang #advicepls #firstbaby #momcommunity #breastfeed #breastfeedbabies #breastpump #firsttimemom

14 Replies

as a bf mom for 3 yrs. no.1 rule na ginawa ko tutal wfh naman ako. di ako bumili ng bottles para dirct latch kami, unlilatch to increase supply. kasi the more ang demand the more ang supply. btw pumping ahould only be done after 6wks. and if sa bahay ka lang naman, if I were you no need magpump.mag unlilatch lang kayo lalakas supply mo and you will notice while bfeeding sa kabilang breast kusang letdown,saluhin mo nalang para maipon. milk boosters:malunggay,malunggay capsule,malt from beer kaya ako umiinom beer 3x a wk,oatmeal,milo, and massage.

hi mamshie kain ka lang masabaw like tulya magaling daw un magpabalik ng milk supply and tiyaga lang ipalatch mo lagi kay baby babalik din yan and iwasan mo muna magformula kay baby. Tiyagaan mo lang mamshie. Exclusive BF mom here sobrang satisfying ng feeling, kaso amoy gatas ka nga lang talaga pagEBF 😆😆😆

hi momsh. di daw po basehan output ng pumping sa supply mo, unlilatch lang po si baby para magboost pa po ulit. the more po kasi nagformula si baby, the more po di magproduce milk body natin.. stick din po sa pumping sched.

hellow momsh kapag pinadede mo tlga ng formula si baby talagang hihina gatas mo kasi walang nag dedede eh .. unli latch lang momsh more on sabaw tas stay dehydrated take malunggay capsule .. iwasan muna ang formula milk

Super Mum

palatch lagi si baby, if plan na exclusive pumping,stick to a strict regular pumping schedule. read more about relactation tips here: https://ph.theasianparent.com/relactation-tips Good luck!💙❤

Hi mom! Unli latch po is the key, avoid giving your child milk formula :) I encourage you to join Breastfeeding Pinays in Facebook din. Madami matututunan just use search button.

and pinaka impt hydrate urself..ang lakas kong uminom ng water.at wag ka magisip ng negative,wag mastress kasi it will affect ur supply

unlilatch po wag puro pump babalik yan kung unli latch po nangyre n s akin yan almost 1 month p nga naibalik ko rin

better latch po kay baby than pumping mas mgnda bonding ung ganun skin to skin po. .

pa latch mo lang kay baby mamsh. lalakas ulit yan :)

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles