How do you heal a brokenheart of a pregnant woman?

Hello mommies! I know this is off topic pero gusto ko lang maglabas ng sama ng loob kasi hindi ko na alam gagawin ko. ? I am 6 months pregnant. Nung first 2months, maayos kami ng daddy ni baby, and then bigla siyang nanlamig, yun pala may kinalolokohan na siyang babae sa office nila. Then he said na hindi niya anak tong anak namin at sa ex ko raw to na almost a year ko ng hindi nakikita. Iniwan niya kami ni baby on my 3rd month. I suffered. I got depressed. Hindi ako nakakapasok sa work kasi sobrang sakit ng nangyari sakin. Dumating pa ako sa point na gusto ko ng ihinto si baby, pero No kasi sabi ko, si baby nlng ang meron ako. I tried to moveon, medyo nagawa ko. Then just last march 30th, bumalik siya, umpisa daw ulit kami. I gave another chance para kay baby, pero mas malala. Halos araw araw niyang pinaparamdam sakin na hindi na magwuworkout. He even said na hindi niya ako mahal. Siya ang bumalik samin na hindi ko naman hiningi pero siya din tong nakipaghiwalay ulit netong 27th ng april. Tapos just today, he posted a picture na may kasama na siyang ibang babae. Hindi ko na alam gagawin ko, mommies. Sobra na tong ginagawang pambabastos samin ng anak ko. Hindi ko na alam paano ulit babangon. And what's worst is kaibigan ko pa yung babae niya ngayon. Ayoko na.

98 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi mommy. pakatatag ka lang. hayaan mo na yung lalakeng yun. everything will be fine. isipin mo nalang si baby mo. ganyan din kasi ako,nung una okay pa kami nung lalake. pero may iba na syang babae. then after a few months biglang pinagdududahan na din nya ako, ewan kung nagpapagood shot sya dun sa babae nya. pero wala na akong pakealam doon, kilala ko naman ang sarili ko. iniisip ko nalang na hindi naman ako ang nawalan. 😊 magsisisi din sya pag lumabas na si baby. lalo at tanggap pa ng family nya tong baby namin, looking forward na sila sa paglabas nya. yung lalake ang talaga ang balimbing. kaya natin to mommy for our baby. laban lang.

Magbasa pa