How do you heal a brokenheart of a pregnant woman?

Hello mommies! I know this is off topic pero gusto ko lang maglabas ng sama ng loob kasi hindi ko na alam gagawin ko. ? I am 6 months pregnant. Nung first 2months, maayos kami ng daddy ni baby, and then bigla siyang nanlamig, yun pala may kinalolokohan na siyang babae sa office nila. Then he said na hindi niya anak tong anak namin at sa ex ko raw to na almost a year ko ng hindi nakikita. Iniwan niya kami ni baby on my 3rd month. I suffered. I got depressed. Hindi ako nakakapasok sa work kasi sobrang sakit ng nangyari sakin. Dumating pa ako sa point na gusto ko ng ihinto si baby, pero No kasi sabi ko, si baby nlng ang meron ako. I tried to moveon, medyo nagawa ko. Then just last march 30th, bumalik siya, umpisa daw ulit kami. I gave another chance para kay baby, pero mas malala. Halos araw araw niyang pinaparamdam sakin na hindi na magwuworkout. He even said na hindi niya ako mahal. Siya ang bumalik samin na hindi ko naman hiningi pero siya din tong nakipaghiwalay ulit netong 27th ng april. Tapos just today, he posted a picture na may kasama na siyang ibang babae. Hindi ko na alam gagawin ko, mommies. Sobra na tong ginagawang pambabastos samin ng anak ko. Hindi ko na alam paano ulit babangon. And what's worst is kaibigan ko pa yung babae niya ngayon. Ayoko na.

98 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis! Nakaka relate ako. Though, mag 2 y/o na yung anak ko nung iniwan nya kami. Nag focus na lang ako sa anak ko that time and bumalik sa pag aaral. Nakatapos naman ako, at nakapag work, then suddenly may dumating na lalaki sa buhay namin ng anak ko, mabait at tinanggap kaming mag ina. After 2 and a half years being gf/bf nagpakasal kami. ☺️ Minsan yung mga pangit na nangyayari sa buhay natin, yun pa ang magdadala sa atin sa tamang tao at mas magandang buhay. Kaya hayaan mo na ang lalaking yun, sa una lang magaling, sa sarap lang maaasahan pero pag andyan na ang problema at hirap iniwan ka sa ere. Andyan ang baby mo, blessing yan at mapalad dahil isa ka sa mga pinagkatiwalaan ng Diyos na mag aruga ng angel nya sa mundong ito. ☺️

Magbasa pa