How do you heal a brokenheart of a pregnant woman?

Hello mommies! I know this is off topic pero gusto ko lang maglabas ng sama ng loob kasi hindi ko na alam gagawin ko. ? I am 6 months pregnant. Nung first 2months, maayos kami ng daddy ni baby, and then bigla siyang nanlamig, yun pala may kinalolokohan na siyang babae sa office nila. Then he said na hindi niya anak tong anak namin at sa ex ko raw to na almost a year ko ng hindi nakikita. Iniwan niya kami ni baby on my 3rd month. I suffered. I got depressed. Hindi ako nakakapasok sa work kasi sobrang sakit ng nangyari sakin. Dumating pa ako sa point na gusto ko ng ihinto si baby, pero No kasi sabi ko, si baby nlng ang meron ako. I tried to moveon, medyo nagawa ko. Then just last march 30th, bumalik siya, umpisa daw ulit kami. I gave another chance para kay baby, pero mas malala. Halos araw araw niyang pinaparamdam sakin na hindi na magwuworkout. He even said na hindi niya ako mahal. Siya ang bumalik samin na hindi ko naman hiningi pero siya din tong nakipaghiwalay ulit netong 27th ng april. Tapos just today, he posted a picture na may kasama na siyang ibang babae. Hindi ko na alam gagawin ko, mommies. Sobra na tong ginagawang pambabastos samin ng anak ko. Hindi ko na alam paano ulit babangon. And what's worst is kaibigan ko pa yung babae niya ngayon. Ayoko na.

98 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kaya mo yan. I have a friend na nabuntis siya ng guy na hnd niya jowa. Hndi din tinanggap ng guy yung baby, pero kinaya niya. Napalaki niya ng maayos yung bata at pati kaibigan ko nagbago yung pananaw sa buhay. Hndi niya pinakita yung anak niya sa tatay ever. Masakit sa part niya kasi ngayong 3 years na si baby eh naghahanap siya ng daddy pero need nila kayanin. With the help of her family and friends, masaya nman sila ngayon na qala yung lalaki. You and your baby don't deserve to be treated that way. You deserve better. Be strong!

Magbasa pa

Iwasan mo na siya totally mommy. Hindi pwede ung kung kelan nya gusto tsaka siya babalik. Sa umpisa lang mahirap pero eventually makakayanan mo din. Lalo na pag lumabas na si baby. Kayo na ung magiging magkaramay. Ipagpray mo lang lahat. And be strong para sa inyong dalawa ni baby. Pabayaan mo na yang walang kwentang lalaki na yan. Magpasarap siya hanggang gusto niya basta ikaw umiwas ka na. Mas magiging magaan buhay mo kung wala siya. Basta pray and stay healthy and positive para sa inyo ni baby. 🙏😊

Magbasa pa

Hi momshie.I just wanna share my story. Pregnant ako today 8months na sa sunday. Ex ko yung Daddy ni baby. So si boy may jowa yung Matagal na nyang gf 7yrs na sila nagkahiwalay lang kaya naging kami. And then, Ayon nagkahiwalay din kami pero nagkakasama kami. Si girl ngayon pregnant na din 5 months ata sabi lang pero preg talaga sya. Di pa dapat kaso nalaman kasi ni girl na buntis ako kaya nagpabuntis sya. So ayon Miski isang beses walang concern samin mag ina si boy. kaya Lakasan nlng ng loob. momsh.

Magbasa pa

I know its hard momsh. Been there. Just now, focus ka lang sa baby. Tandaan mo momsh naapektuhan din si baby sa kung anung nararamdaman. Keep going. Kahit mahirap. And regarding sa ama niyang baby mo, kung ganyan ang pinapakita niya sayo better na hayaan mo na siya. Wag mo ipagsiksikan ang sarili mo sa mga ganyang walang kwentang lalaki. Hindi mo siya deserve. Makakaya mo yan momsh. Strong tayo eh. Healing will take time. Just go lang sa process. Soon you'll be ok.

Magbasa pa

Lakasan mo lang loob mo mommy maswerte ka kasi yang taong nasa loob ng tyan mo ang taong hinding Hindi ka iiwan.sa ngayon mahirap kasi sating mga buntis ang mag galaw galaw.kung nakuha ka nyang iwan tapos binigyan mo na ng chance pero iniwan ka nanaman ulit.better po si baby nalang ang intindihin para maging healthy sya.takecare of your self mommy kasi pag labas ng baby mo may mas magmamahal sayo.pabayaan mo nalang maglokohan ang taong parehas manloloko.

Magbasa pa

Just always remember,there's a rainbow always after the rain. In your case, pagkatapos ka iwan ng Daddy ni Baby, may Baby ka namang inaantay na dumating 😊 Keep on thinking ng mga happy thoughts para madivert isip mo. Mas masarap isipin yung excitement na makikita mo na si Baby 3 months from now compare to isipin bat ka paulit ulit iniwan ng Daddy nya. I know,di madali pero you have to do it para sayo lalo na para kay Baby. Kaya mo yan 😊

Magbasa pa

kaya mo yan, magpakatatag ka para sa baby mo. at simulan mo ng kalimutan siya kahit na masakit kayanin mo. darating araw na hindi mo namamalayan wala ka ng pakiramdam para sa kanya. tapos magiging masaya ka na. wag ka masyado mag isip makakasama sayo at sa baby mo yan. pagbumalik siya sabihin mo sakanya "hindi ka namin kailangan sa buhay namin mag ina, masaya na kami kahit wala ka. kaya kung maaari lang umalis ka na". sampal sakanya yun.

Magbasa pa

MOVE ON PARA KAY BABY. Kuny ayaw nya, eh di wag pilitin.. Mas mahirap po kasi makisama pag napipilitan sya. Maiistress ka lang lalo. Sa ngayon momsh, ayusin mo sarili mo,hindi para sa kanya or para sa yo kundi para sa Baby mo.. Si baby na lang magiging kakampi mo at tunay na magmamahal sa yo no matter what.. Pray ka lang momsh, ibibigay ni papaGod yung mas makakabuti para sa inyo ni baby.. Trust in God's plan. Pakatatag ka para kay baby.

Magbasa pa
VIP Member

Yes it easy to say na learn to stand alone.. sis, walang binibigay si God na natin kaya.. kung ganun syang klaseng lalaki, wag mo nang ilubog ng sobra ang iyong sarili sa kanya.. continue to push in life para sa inyo ng baby mo, always keep in mind BLESSING yan si baby, pagpapalain kapa.. ang tumatanggi sa grasya lumalabo ang Buhay.. stay happy, learn.to.save your self.. walang ibang gagaqa nyan...and always pray.. strong woman stand up

Magbasa pa

Momshy let go of the things that causes you a lot of stress, babae din ako so i know how it feels to be badly treated by someone you love .. all i can say is pray kalang momsh you'll get through all that pain soon .. you have to be strong para kay baby mo Wag ka manghinayang na umalis sya sa buhay nyo ni baby kasi nga pag ganyan ibig sabihin will ni god na dika mapunta sa maling tao Kahit pa sabihin na sya ang daddy ng baby mo

Magbasa pa