How do you heal a brokenheart of a pregnant woman?

Hello mommies! I know this is off topic pero gusto ko lang maglabas ng sama ng loob kasi hindi ko na alam gagawin ko. ? I am 6 months pregnant. Nung first 2months, maayos kami ng daddy ni baby, and then bigla siyang nanlamig, yun pala may kinalolokohan na siyang babae sa office nila. Then he said na hindi niya anak tong anak namin at sa ex ko raw to na almost a year ko ng hindi nakikita. Iniwan niya kami ni baby on my 3rd month. I suffered. I got depressed. Hindi ako nakakapasok sa work kasi sobrang sakit ng nangyari sakin. Dumating pa ako sa point na gusto ko ng ihinto si baby, pero No kasi sabi ko, si baby nlng ang meron ako. I tried to moveon, medyo nagawa ko. Then just last march 30th, bumalik siya, umpisa daw ulit kami. I gave another chance para kay baby, pero mas malala. Halos araw araw niyang pinaparamdam sakin na hindi na magwuworkout. He even said na hindi niya ako mahal. Siya ang bumalik samin na hindi ko naman hiningi pero siya din tong nakipaghiwalay ulit netong 27th ng april. Tapos just today, he posted a picture na may kasama na siyang ibang babae. Hindi ko na alam gagawin ko, mommies. Sobra na tong ginagawang pambabastos samin ng anak ko. Hindi ko na alam paano ulit babangon. And what's worst is kaibigan ko pa yung babae niya ngayon. Ayoko na.

98 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pareho tayo ng situation mommy, sobrang sakit tlga nyan ung tipong gusto mo sya nasa tabi mo lagi pero wala sya un pala may kalandian na iba.. yaan mo makakarma din yan sya hintayin mo lang Diyos na bahala sa mga ganyang lalaki. Lesson lang siguro yan na tatagan natin ang ating loob dahil nandyan naman si Lord hindi naman nya tayo bibigyan ng pagsubok kung hindi natin kaya malagpasan :)) cheer up mommy pray ka lang lagi

Magbasa pa

Momsh try mo dumistansya sa kanya. unfollow mo sya sa lahat ng social media. Mag focus ka muna kay baby. Masyado mabigat yung dinadala mong suliranin. Malaki effect kay baby nyan. Hayaan mo ex partner gawin kung ano gusto nyang gawin. kung pwede pati magpalit ng tirahan at cp number gawin mo momsh para maka iwas ka muna sa lalaking yun. Stay strong momsh and pray lang lagi. Magiging maayos din ang lahat.

Magbasa pa

Sis move on nalang po ulit, hayaan mo na siya at kung bumalik pa wag mo ng hayaan bumalik pa sa buhay niyo ni baby. Tama na yung isang beses na chance na ibinigay mo. Pero dapat talaga, hindi mo nalang siya binigyan ng chance makabalik. Nangyari na ang nanyari move on nalang po... May mas deserving pa dadating sayo sis, Maybe not now but soonest! Enjoy mo lang kasama ang baby mo. God blessed! ๐Ÿ˜‡

Magbasa pa

Maam. As of now po,c baby po kasi nakadepende sayo. So better po wag na muna isipin c daddy niya. Sa baby ka nalng po muna mag focus. Kawawa kasi c baby kung maaapektuhan siya sa nararamdaman mo po ngayon. Above all po. Pray po tayo sa Panginoon na magiging okay din ang lahat. Alam at kitang kita ng Panginoon bawat pagsubok na hinaharap natin ngayon. God Bless po. Kaya nio po yan โค

Magbasa pa

Just focus on your baby sissy. Sobrang emotional talaga ng buntis, Sobrang paranoid. Pero wag naman sa ganyan literally na ipaparamdam sayo. Napakaselfish ng gago mong jowa. Kung ako sayo lumayo ka at hayaan mo siya ang maghabol sayo. Wag mo ipakita yung bata at wag mo ipaapelido. Kapal ng muka niya kung kaya mo magisa magpalakas ka para sa anak mo. Pary ka lang sissy God Bless!

Magbasa pa
VIP Member

He's not worth to be a father of your child and your lifetime partner.. Ke baby ka humugot ng lakas sis for sure malalampasan mo yan.. Be strong para sa anak mo ikaw lang ang merun sya.. And time goes by unti unti mag heheal din yan everyday samahan mo prayer and ask for God's guidance na malagpasan mo trial mo sis.. Kaya mo yan sis iba ang Girl power naten mga babae๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช๐Ÿ˜‘

Magbasa pa

di pa talaga handang maging ama yan. wag mona ipilit sarili mo sakanya..kaya ka binigyan ng diyos ng anak dahil para may makatuwang ka sa buhay. maganda maaga palang umalis na siya. kase kung nakasama mo pa yan ng matagal sa bahay. paulit ulit kalang sasaktan niyan. ituon mo nalang sarili mo sa anak mo. wag na sa walang kwentang tao na walang ibang alam gawin kundi saktan ka.

Magbasa pa

Be brave mommy pra sa baby mo.. ang mga ganyang tao ay hindi kawalan sa iyo. Isipin mo na lang na blessing in disguise na maaga pa lang alam mo na kng ano totoong ugali ng father ng baby mo. Napaka iresponsable nyang tao.. just offer to God every pain you felt. Mkakatulong yun mommy.. tama na yung sinaktan ka na nya wag mo na hayaan na ukitin nya pa..

Magbasa pa

Simple lang,block anything about him!then slowly move on focus on the babys needs nd have more time to your self.stand up and explore the world rather than crying a river.God is preparing for great one kya smile na๐Ÿ˜ŠMy kids are sending you their love n kisses๐Ÿ˜š๐Ÿ˜š๐Ÿ˜š๐Ÿ˜š๐Ÿ˜š๐Ÿ˜š๐Ÿ˜š๐Ÿ˜štamng tma pl ung artwork ko knina for you๐Ÿ‘‡๐Ÿ˜

Magbasa pa
Post reply image

pag bumalik na wag mo ng tangapin ulit mommy kasi bka saktan klng ulit. magsisi rin yan. pinagdamot nya sayu yung pgiging asawa nya at soon tobe pagiging tatay niya sa anak niya. ayaw niya lng cguru ng responsibilidad kaya ganun yung reason nya. gustu nya lng cgurung magpasarap . d siya deserving magiging tatay ng baby mo. .(just saying lng nmn po

Magbasa pa