NSD to CS

Hello mommies. I hope mapansin to for the last time. ? Nalulungkot ako. Hindi ako makapag isip. 6.3cm Amniotic fluid ko. im 39weeks exactly base sa LMP pero sa utz march 08 pa EDD ko. Hindi na daw normal, nasa border line na sabi ng OB ko. Sabi ko sa kanya, doc ayaw ko po sana ma CS. normal po ako sa 1st ko eh. Ang mahal din po ng CS. Mostly ang kinatatakutan ko yung ooperahan ako. Pakiramdam ko hindi na magiging normal pamumuhay ko e ?. Lagi ko iisipin yung opera ko baka bumuka. Madami na ipagbabawal na gawain. Pwede naman daw ako mag induce. Force labor. Pero matagal yun. 9hrs what if matuyuan na daw lalo si baby. Biglang humina heartbeat. Emergency CS din daw ako nun. At ang risky na rin non sa baby. Na i.e nya ko kanina, pero mataas pa daw 1cm inopen nya pilit kaya eto may blood clotting ako tapos may mild contractions ako na very light parang nireregla lang. Kung nasa 4cm na daw sana ako okay na okay pa sa force labor. Nag suggest din sya na if ever na force labor ako, sa ospital na accredited sya. Para kung iemergency CS man ako andun na kame agad. Sa CS. Package nya 50k , yung isa 60k. Di na namen alam ni hubby ko ang gagawin. Any opinions nyo po mga mommies ?

46 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nung preggy ako ayoko dn maCS closed cervix tapos wala pa tlg kahit anong sign.. tas 38w 4D ako pumutok bigla panubigan ko inobserbahan nastuck sa 7cm 12hrs na pumutok panubigan ko wala na choice kinausap na kapatid at partner ko na cs na tlga.. sabi nga nila ang pera kaya kitain pero ung kalusugan at kaligtasan namin mag ina ndi mapapalitan o matutumbasan ng kahit anong bagay/salapi. Sis tanggapin mo nlng po magpray ka at kausapin mo c baby. ako natakot dn nung macs pero d ko na sya ramdam nun tapos nung nakauwi na ko 1month lang halos fully healed na. mga 2wks nakakapagwalis at hugas na ko 3wks pinatanggal na ung binder at ung tegaderm

Magbasa pa

For me I'd rather go with what the doctor said. Ayaw ko malagay sa alanganin buhay ng anak ko. Bakit naman mabago pamumuhay mo? Ako na twice na nag undergo ng CS 1st baby and ectopic preg pero normal naman buhay ko. Bawal na gawain pag nsa healling process kapa after nun wala na bawal na gawain. Nagagawa ko na lahat. For me hindi ko iisipin ang pera kasi.nahahanap lang un ang.buhay hindi na. Kung hindi mo kaya ung package ng OB ko mag public hosp ka..hingin mo san OB mo records mo explain mo sa kanya na hindi nyo kya ung price nya. Madami solusyon kung gugustohin. Godbless to you and your baby.

Magbasa pa

momsh if need para s baby mo. ako nga gusto ng ob ko normal pero nagpa CS ako 😂😂😂 loka loka lng. after 4 days halos prang normal n kilos mo. after 2 weeks sobrang ok na wag lng mag ugat ng mabigat. don’t worry di bubuka tahi mo. ako ng nagbuhat kay baby, naghele, naconstioate, kaya naoaire ng ilang beses pro di bumuka tahi ko. sabi ni ob assurance nia di bubuka tahi ko. saka pray lang kahit takot tau tutulungan tau ni Lord, Sya ang bahala satin ;) cheer uo momsh makakaraos ka din. tignan mo madali lng sya pag naranasan mo :)

Magbasa pa

Cs n sis huwag k.magbisip na bubuka ung tahi mo,ako nga induced labor nauwi ako sa cs.kc maliit sipitsipitan ko khit maliit baby ko d ko kya ilabas talaga.natuyuan nko nun nung pumutok panubigan ko pasalamat lng ako kc ok heartbeat ng baby ko nkakain lng sya ng dumi ko ky nag antibiotic sya.ako ok n tahi ko tuyo n sa labas nung una takot ako pero iniisip ko ung baby ko kya nag lakas loob ako d ako nag palagay ng pang patulog kc gusto ko marinig iyak ng baby ko.50k din gastos nmin last feb.5 be strong mommy

Magbasa pa
VIP Member

Actually hinde naman super hirap ng cs basta magaling ob mo at may tiwala ka sakanya. Wag ka matakot mamsh, wag ka magdoubt sa ob mo, magpray ka lang. Twice na ako nacs and mabilis lang ako nakarecover from operation, wala din ako nafefeel na masakit sa likod like ung nababasa ko dito na pag malamig panahon sumasakit likod nila. Kakacs ko lang nung december now back to normal na ako, bikini cut ako and maliit lang naman ung tahi ko. Wla na ako nafefeel na pain now nakakapag light exercise na nga ako

Magbasa pa

Wala ka pong magagawa momsh if needed. Pero depende po talaga yan sa OB. MAY OB po talaga na mahilig mag pa CS ng patient since hindi naman aware ang mommy wala talagang magagawa. Mas mabilis kasi pag CS eh pag normal kailangan talaga hintayin at pag pasensyahan ng OB. Kasi sakin induce ako 1cm plng pero pabot ko 7 hours at dahil matiyaga ang OB ko at alam nya na ayaw ko ma CS hinintay nya talaga na malabas ko normally si baby almost an hour din ako umire. And 40 weeks na ako that time

Magbasa pa

Kung ano ikakabuti ng baby mo yun yung gawin mo. Cs din ako kahit gusto ko normal del di pwede. Kaya nilakasan ko loob ko kakayanin ko para sa anak ko. Mura nga po Cs package nyo eh. Samin mas mahal pa dyan pero nagawan ng paraan. Lahat gagawin maging okay lang si baby. Lahat titiisin maging okay lang siya. About sa recovery ng CS masakit po talaga sa una pero hihilom din po yun. Maging maingat kalang sundin mo lahat ng advice ng OB mo at gagaling ka kaagad.

Magbasa pa
VIP Member

Momshie ganyan din ako. Thankful ako sa OB ko na pinaadmit na nya ako that day due to low amniotic fluid din. Nung hiniwa na tiyan ko wala na daw talaga tubig sabi nila at dahil dun nastress na pala sa loob si baby. Kaya napoop na sya sa loob at nakain na nya un. Ang tagal pa bago umiyak ni baby pagkalabas ng tummy ko kaya akala daw nila mamamatay si baby. Kaya magpacs ka na mommy hanggang maaga. Para sayo at kay baby mo naman un. Para safe kayong dalawa.

Magbasa pa
VIP Member

Buti ka nga mommy,nasabi na sayo agad..ako nagpa'check up lang,pina'ultrasound at hindi na pinauwi kasi c kelangan na ilabas c baby kasi humina na heartbeat..takot din ako kasi normal din ako sa panganay ko pero sa una lang mahirap ang cs pag nawala na ang anesthesia..2 mommy nkakalabas na kami ni partner...mag two months plang ako sa march 4 pero nkakapag'trabaho na ako..okay na ang tahi ko..btw bikini cut po ako mommy..mas madaling gumaling😌

Magbasa pa
5y ago

P.s po mommy,lagyan nyo po ng allowance ang budget nyo na 60k..kasi kami sabi samin 60k pag dating ng bill umabot ng 74k samin ni baby less na philhealth..

Mahirap ang ECS . Kasi biglaan yung gastos .. Di napaghandaan o napag ipinunAn . Like nung nangyari sakin . Kasi alam ko sa sarili ko na kaya ko inormal at kaya ko naman talaga kaso di nakisama si baby ko, ayaw nya lumabas kahit 10cm na ko . Yung dapat sa midwife lang ako napadpad pa kami sa hospital. At nagbayad ng 80k+ pero sulit naman kasi nakasama ko na baby ko at napaka healthy at masayahin sya na baby 😊

Magbasa pa