Tired mom

Mommies, hihinga lang po ako sa inyo. I need motivation. I have two kids po, 3 yrs old and a 7 month old. Ako lang po nagbabantay sa kanila since wala na ko parents and di rin maka asa sa in laws. Kami lang talaga ng kids sa bahay pag wala si hubby. Ngayon po, as my baby is growing, palagi na po sya iritable. Siguro, dahil sa ngipin nya. Tinitiis ko po sya kargahin kahit ano gawin ko, di ako maka cr pag need pa nya mag dede, di ako makalaba kasi pag gising sya, need talaga bantayan kasi baka ano isubo ng ate nya. Ngayon po, nagluluto ako ng chicken hamonado. Karga ko sya while nagluluto. Tinitiis ko yung sakit ng likod at antok ko kasi excited na ko kumain. Yung 3 tbsp na dapat SUGAR, ASIN ang nailagay ko. Nung tinikman ko, sobrang alat. Naiyak na talaga ako, mommies kasi gutom na gutom na ko, pagod at antok pa. Parang feeling ko wala akong silbi kasi wala akong pasensya na sa mga bata. Ang dali ko magalit kahit maliit na bagay. And this? Reward ko na lang sana sa buong maghapon na pagod, pumalpak pa luto ko. Wala din po pala ako kausap lagi kasi malalayo ang friends ko kaya wala ako masabihan ng sama ng loob ko sa sarili ko.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Same here momsh. But think positive momsh and pray...

kuha ka po ng katulong 😊

Same here. Pero nagpapalaba ako. Ayaw kasing magpababa ng lo ko.

Related Articles