Niloko ako ng asawa ko habang buntis pa ako

Hi mommies. Gusto kong humingi sainyo ng advice. Yung ka live in partner ko kasi, niloko nya ako habang buntis ako. 6 months pregnant ako that time. Diko pa alam nun, ngayon ko lang nalaman after 9 months, netong nakaraang linggo ko nalaman nung lasing sya, kinalkal ko cp nya, diko alam kung bakit napunta yung kamay ko sa messenger nya at nakita kong may iba siyang account at sa account na yun may mga kachat syang mga babae, at sya pa ung nanlalandi. Minessage ko na ang mga babae at di na daw sila magrereply sa asawa ko. Nung nalaman ko grabe yung galit ko saknya, those conversations kasi na nabasa ko, nakakagalit, di ako nakatulog that time at di ako makaiyak, sobrang sama lang ng loob ko, ang galing nya magpanggap. Gusto ko syang hiwalayan pero iniisip ko anak namin. Nagka patawaran na kami para kay baby, di nako masyadong nagdada, magpakumbaba na rin ako at pinili kong ayusin nalang.. pero everytime na papasok sya sa work nya, di ko maiwasan na magduda, andon yung andami kong gustong itanong saknya, ang dami kong gustong sabihin. Andun yung thought na gusto kong hiwalayan sya pag nagka trabaho nako as in gusto ko na mawala na sya sa buhay namin ng anak ko. Nahihirapan akong ibalik saknya yung buong tiwala ko. Inaamin ko naman na may pagkukulang ako saknya that time, pero buntis ako nun ee normal lang naman na.. moody ako nun , tinatamad kumilos, laging pagod kahit wala akong ginagawa, umiinom kasi sya at ayaw ko, at nangako sya na di na iinom lalo na kapag malapit na due date ko, pero sige parin sya kaya naggalit ako saknya,l#advicepls gusto ko palagi na kasama ko sya pero di nya ginagawa. Pumangit din ako that time , tamad ako maligo. Yun ang nag push daw saknya to cheat on me pro sana iniwan nalang nya ako kesa lokohin. Hannggang ngayon di parin ako maka move on kahit na okay naman na kami. Ang hirap yung madami kang tanong sa isip mo. Pero baka kapag kinausap ko sya about doon baka mag umpisa pa ng away. Dapat ko bang sabihin nararamdaman ko?#advicepls

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy same tayo nung buntis ako and lasing hubby ko nagbabanggit sya ng pangalan ng babae at nakikipag hiwalay sa akin. Tapos nung 7 months ni baby habang nagkikineme kami sabi nya bantayan ko pinto baka pumasok ang checker. Dun ko sya nahuli. Gumawa ako ng kasunduan na kapag umulit sya ipapalipat ko apelyido sa akin ng anak namin at mawawalan na sya ng karapatan. Kahit alam ko na mag aaway kami kinausap ko pa din. Hanggang ngayon wala pa din akong tiwala sa kanya

Magbasa pa