Breastfeeding
Mommies, gusto ko sana magbreastfeed pagkapanganak ko pero di ko alam kung kakayanin. Yung isang nipple ko kasi, inverted sya. As in lubog sya kahit anong klaseng stimulation hindi sya umuulwat. Tried na din isasuck ng syringe, hindi din umubra. Yung kabila naman may konting pagasa pa kasi mejo naulwat sya ng slight. Flat lang sya usually. Dun ko plano ipalatch si baby paglabas nya. Ngayon ang problema ko yung other breast ko kasi kung hindi sya masusuhan, mamaga for sure. Nababasa ko kasi na afteer 6 weeks pa daw pwede magpump. Pero in my case, pwede ko na kaya ipump yung isang breast ko while sa kabila sumususo baby ko? Second baby ko na to, yung una di ko talaga nabreastfeed kasi hindi sya talaga naglatch. God bless sa mga makakapansin at sasagot.