Cheer Me Up?

Hello, mommies. Gusto ko lang maglabas ng feelings ko dito. I’ve been with my partner for 4 years now. We have always been in a “healthy” relationship naman. Kaso, by the end of 2022, we “grew” apart. Ang daming naganap sa buhay namin. Hindi ko na lang siguro ididisclose pero it affected us emotionally, mentally, and physically. Before we confirmed my pregnancy, nagkakaroon na kami ng conversations about our “disconnect.” And then boom, baby is confirmed. Kaya nahihirapan ako ngayon — carrying a baby while trying to hold on to our relationship. Ang hirap kasi I love my partner kaso siya yung mas nakakaramdam ng “disconnect” sa amin. Gusto ko maging positive para kay baby pero merong days na hindi ko kaya. Hindi kami live in kaya naman most of the time, ako lang mag-isa. I find myself staring outside the window — ang daming what ifs? By the end of my pregnancy, nandito pa rin kaya siya? Kaninong last name ibibigay ko kay baby? What if… Share ko lang, mommies. Just a way to release this sadness. Thank you! #firsttimemom

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Mi, ininform nyo ba si partner regarding sa pagbubuntis ninyo? If yes and nothings change sa pagsasama ninyo, i think its better to think for your own and your child's future without him. mahirap pero kailangan nyo ng gawin, kasi like yung una ng nagcomment, if may baby na sana mas tumibay (pa at na) ang pagsasama ninyo dahil, you know, baby is on the way. like yehey. mabigat ang pinagdadaanan nyo ngayon mi, pero hindi ito ang oras para magmukmok mag isip sa relasyon ninyo ng partner ninyo, ang dapat pinagtutuunan ng pansin ngayon ay si baby. top priority nyo sya now. kasi remember, kung di man po ibigay ni Lord yang partner ninyo, meron sya ibang ibibigay sa inyo, at binigay na po ni Lord, yun ang baby ninyo. Sigurado ako si anak ninyo ang magbibigay ng pagmamahal at kasiyahan sa inyo. Trust me, been there done that po kasi hehe.

Magbasa pa