DO I HAVE TO FEEL BOTHERED?

Mommies, will u also feel bothered kapag may ka-trabaho yung partner nyo na papansin sa kanya? Nababasa ko kasi lagi yung chat nila sa GC once na nag chat na yung bf ko, magchachat na rin tong babae tapos yung way nya lagi is yung parang inaasar nya yung bf ko, di po asar na namimikon ha, yung parang nakikipag asaran o lokohan ganon? Hindi naman po ako selosa alam po ng bf ko yan. Gusto ko lang pong ma-avoid na maloko na naman nya 'ko kasi nung nanliligaw palang sya sakin he once cheated on me na po and something happened. Nagbago naman po sya at nakikita ko naman po yun. I just don't trust yung mga babae ngayon lalo na po workmate rin namin before yung reason bat sya nag cheat sakin dati at nag-umpisa lang yun sa chat at biruan. If kayo po, papalagpasin nyo nalang po ba?

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

NO. Kausapin mo yung husband mo not to reply sa chat ng babaeng yun or wag nalang pansinin at all. And she knows naman na pamilyado na ang asawa mo bakit pa sya nakikipaglandian diba? Nakakainis talaga yung mga babaeng ganyan. Kulang na kulang sa pansin.