Mga mi pa out of topic po. Kanina po kasi may nakita ako sa facebook na isang meme. Dun po sa image is yung lalaki kita po dun na hinang hina sya pagtapos ng 2 r*unds nila nung partner nya tapos yung girl naman po parang chill lang. Pinakita ko po kasi sa hubby ko yun and he replied "panong hindi mapapagod hindi naman kasi kayo gumagalaw, alam mo yung galing ka na ngang trabaho at pagod tapos ikaw parin yung gagalaw. Kaya minsan natutulog nalang ako e." Mahinahon nya naman pong sinabi yun, di naman galit. Medyo naguilty lang po kasi ako sa sinabi nya. 15 weeks na po kasi akong preggy ngayon at unlike nung sa first pregnancy ko palagi akong may gana at ako pa yung nangangalabit at madalas kumilos (hindi din naman po risky yung pagbubuntis ko noon). But now wala na po akong pake kahit umabot pa ng isang buwan na hindi kami mag do, or pag nag d-do po kami tinatamad po talaga akong kumilos. Nag w-worry din po kasi talaga ako na baka mag sawa po sya or mawalan ng gana sakin at mag hanap ng iba. Nag cheat na po kasi sya sakin once at mag gf/bf palang po kami that time, nakipag ano po sya sa ibang girl siguro dahil wala talaga akong masyadong time sa kanya. Medyo matagal na rin at bumawi/nagbago naman sya iniwasan nya lahat pati yung mga kunsintidor nyang barkada that time inalis nya sa buhay nya. Hanggang sa nag ka anak kami, naging maalaga at mabuting ama/asawa po sya sa amin ng anak nya. But still kasama ko parin yung pangamba na baka ulitin nya po yun kahit naka move on na po ako kasi nga matagal na. Ano po sa tingin nyo mga mi, kailangan ko po bang bumawi sa kanya?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Subukan nyo na lng po sigurong bumawi kung kaya nyo. But in the meantime, ipaunawa nyo rin po sa kanya to not take your lack of libido personally. Iexplain nyo po na dahil siguro sa pregnancy hormones kaya walang gana (it differs per pregnancy). Although nakakainis nga lang din talaga na tayo na nga nagsu-suffer sa pagbubuntis at panganganak pero may mga lalaki na sila pa ang may ganang magtampo kapag hindi napagbigyan (to think na kasalanan nila kung bakit ka buntis in the first place πŸ€·β€β™€οΈπŸ€¦β€β™€οΈ).

Magbasa pa
Related Articles