Cheating or not?

Hi mga momshie preggy ako now 7mos ewan ko kung normal ba to sa buntis hindi naman ako ganito kalala dati.. Eto kasi yung husband ko napapansin ko parang iba na talaga kesa nung bf/gf palang kami... Tapos nabubuksan ko naman yung phone nya kasi iisa lang kami ng password one time binuksan ko msgr nya yung gf ng tropa nya nag myday tinanong nya kung sa ganitong lugar ba yung monday ni girl sumagot naman si girl na "oo" tapos nag chat chat na sila na gang sa nagkayayaan na sila na mag punta sa coffee shop ang sagot ng husband ko "sayang may pasok ako" hindi naman na naiingit ako pero kasi ako nga hindi mabilhan ng asawa ko ng pagkain.. Tapos magyayaan pa silang dalawa lang sa coffee shop. Tapos eto fresh lang nalipat kasi yung kasamahan nyang babae sa ibang branch si husband ang unang nag chat na "maam anjan kana sa branch?" Tuloy ang chat tapos yung huli nyang sinabi kay ma'am "buti naman at di ka maloloney jan" samantalang ako nakailang chat nako sakanya hindi man lang makareply sinabihan ko na sya sa ganun eh bakit kako hirap hirap makahingi ng reply sayo ang sagot naman nya busy sya.. ewan ko na eemotional ako kasi may mga kaibigan at kasamahan ako sa trabaho na lalaki pero hindi ako ganyan sakanila bakit sya parang super close sila? Ako lang ba nag iisip non pero kasi di ko maiisip kung di ko napapansin.. Matagal kaming mag bf/gf 4yrs sa 4yrs na yun di naman sya ganyan ewan ko kung napapangitan na sya sakin kasi di na ko yung dati ngayon medyo umitim face ko kasi wala nakong nilalagay mataba na ko ngayon kasi preggy na ko.. Gusto ko na syang i-real talk kaso masstress ako at iiyak apektado ang baby #advicepls #1stimemom

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mga momshie it's me again ang nag post netong problema ko sa buhay kahapon yung sinundo nya ko sa work pinapakita ko talagang iritable ako kinakausap nya ko puro tango at iling lang ang sagot ko sakanya napansin nya siguro na may problema ako.. alam ko takot sya sakin pag kasi inis ako sakanya hindi ko sya aasikasuhin as in di ko ihahanda damit nya or di ko sya ipagluluto tapos di ko talaga sya kakausapin ng 1 buwan (ganun ako magalit alam nya yun kasi yung mag bf/gf palang kami 2mos ko syang di pinapansin) edi nagtanong sya kung ano daw ba problema ko at di ako makausap nag segway nalang ako na nagugutom ako huminto kami sa fishballan (di po ako masyadong kumain segway ko lang yan pakainin sya para may mapagusapan) sinimulan ko magsalita habang kumakain sya sabi ko "kilala mo si moira, carla at kylie? lahat yun hiwalay sa asawa sa susunod tayo na maghihiwalay" nagtanong sya ng bakit sabi ko bakit ba naghihiwalay ang mag asawa diba pag nag ccheat? sabi nya hindi naman daw sya nag ccheat eto reply ko "hindi lang naman sa form ng kissing or sexual intercourse ang cheating pwede din yung kaibigan mong babae o katrabaho mo na super close kayo to the extent mag aayaan kayo sa coffee shop ng kayong dalawang at mga katrabaho mo na super sweet kayo ng di alam ng asawa mo dun na nagsisimula ang cheating... dapat sa bawat galaw mo o pakikipag usap sa ibang babae na hindi mo asawa isipin mo muna ang asawa mo lalot buntis isipin mo na kada iinom ka ng masarap na inumin "bilhan ko din kaya ang asawa ko" ganun kasi di nyo alam hirap ng babae sa pagbubuntis palang may masakit sayo pero di mo alam ano yun di pa kami nanganganak non ha lalo pa pag nanganak sa lahat ng gagawin nyo san kayo magpunta isipin nyo yung buntis nyong asawa hindi kung sino sinong babae kahit pa gf ng tropa mo yan kasi jan nag sisimula yan sa close close." sumagot sya ng di naman daw sya ganon sabi ko ayusin mo kako alam mong iba ako magalit. mawawala kako lahat sayo trabaho at bahay (kuya ko po kasi yung nagpasok sakanya manager po kuya ko kaya kayang ipatanggal at sa bahay naman po may bahay kami rent to own medyo malaki ang binayaran pag wala syang kahati magbayad mawawala samin yung bahay at wala syang bahay na matitirhan).. di ko sinabi direct na alam ko may mga nakakachat sya gumawa lang ako ng example kasi kung may isip sya alam nya tinutukoy ko pero kung bobo sya alam nya kakahitnanan nya... ok naman po sya binigay nya nga po yung buong midyr bonus nya para panganganak ko talagang ayoko lang ng may mga kachat at magkakayayaan pa sa coffee sya lalot silang dalawa lang.. masakit sa mata yun at pinaintindi ko sakanya na yung mga bagay na di ko ginagawa sakanya wag nyang gagawin sakin sabi ko din babantayan ko mga kilos nya at pag napatunayan kong nagccheat sya hindi ko sya papatawarin or bibigyan ng 2nd chance tinatakot ko din na baka sugurin sya ng magulang ko pag kako nag cheat sya.. mukhang natakot naman sya kagabi kasi napalinis sya ng buong bahay namin at minasahe pa likod ko.. pero totoo yung gagawin kong babantayan ko sya sa lahat ng ginagawa nya pero thank you mga momshie gumagaan yung pakiramdam ko kasi yung iba sasabihin nag hahallucinate lang ako pero kayo super supportive na i confront ko sya. Godbless you all mga momshie mag ingat po tayong lahat. ❤

Magbasa pa

wtf mhie cheating or not? cheat na rin yan once na niyaya na nung guy yung babae na silang dalawa LANG better kabahan kana like bakit? kayong dalawa lang diba? wtf dude may magkakaanak kana hindi porket pangit na or naging mataba hindi na mapakinabangan f*** you sorry ah. Same case lang kasi tayo momsh through out my pregnancy hindi ko rin pinansin si mr. at hinayaan ko lang kung ano hawin nya kasi may baby sa loob ng tummy ko and maselan pa buti nalang strong ako going 9 montha na kami ni baby deliver nalang! You are Beautiful sexy gorgeous mommy!!!! Hayaan mo sya

Magbasa pa

Ako dati nung dalaga pa ko may nagyaya din sakin na magcoffee kami dalawa lang niyaya niya ko kahit kaharap namin gf niya na tropa ko din ai umiwas ako mii khit may tiwala samin si girl dahil friend ko siya kakahiya pag ganon dapat distansya agad😅 tapos yan si husband mo may kayayaan ng pacoffee sa jowa ng tropa niya knowing may asawa siyang buntis? Prangkahin mo mi dapat alam niya na alam mo na di sayo Ok mga ganyan niya may girl na kalandian. Pero chill ka lang dapat priority mo di kayo ma stress ni baby.

Magbasa pa

For me po, it's a form of cheating na rin. Besides, priority niya dapat kayo ni baby. Tama 'yung nasa isang reply, if you're ready, confront niyo na po siya, but only if you're ready po sa outcome. Kasi priority rin po dapat natin 'yung health ni baby. If he really loves you, dapat maintindihan niya 'yung pinanggagalingan mo at bakit mo nararamdaman 'yung mga nararamdaman mo ngayon. Your feelings are valid po. Stay safe and stay healthy sa inyo ni baby. 🤗

Magbasa pa

kung ako sau kompronta ko.cya.tatanungin ko cya sa mga nega n naiisip ko s. knya at sa gurlalo n na ka chat nya.kahit kag away pa kMi altleast nalabas ko ung.iniisip ko.s knila.bka lumuwag at mag ok ang pakirdam mo mi.sabihin mo s knya na i stres n ako s inyo ng gurl na yan ha naapektuhan n.bb s tiyan ko.anu kaba.pag d.mo nagustohan amg.sagot nya at stres ka parin don.ka.nalang.muna sa.relatives mo para Maiwasan mo.ang stres mi.para kay bb🙂😘

Magbasa pa

Ai si koya sarap kutusan😢 sorry mi kung ganyan nararamdaman mo kay hubby mo. At based sa kwento mo may karapatan kang mainis sakanya. Sa ngayon focus ka muna kay baby. Isipin mo pag lagi ka nag iisip ng nakakastress nararamdaman ni baby yun. After mo manganak at stable na kayo ni baby saka ka magdecide kung hihiwalayan mo ba isang cheating na din yan nagchchat siya sa iba tapos parang date na din yung may pakape pa

Magbasa pa

nakuu mamshiee agapan mo na yan kung ako sau ichat mo ung gurl na kung maari iwasan nya ung hubby mo sbhin mo na buntis ka w/c is totoo naman kung pumalag saka ka mgmaldita.. sa panahon ngyon kailangan mging palaban kung ayaw mo.masira ang binubuo mong pamilya mdmi na tlga ngaun higad at mapagpatol khit alam nila may asawa or my partner na

Magbasa pa

My opinion it’s better to confront her and message the girl na iwasan na pag rereply sa partner nyo po kasi it’s form of cheating na rin po yun. Kasi if may pake sayo yung partner nyo or mahal ka niya talaga hndi sya gagawa ng ikakaoverthink mo especially na buntis ka po. As of now focus ka muna kay baby and dont be stress po 🥰

Magbasa pa

magtanong ka sis. pero kung yung magchat ka nga tamad sya magreply, ano pa yung sumagot sya sa tanong mo.. pero try mo parin, then saka kana mag decide if gusto mo pa ba makisama aa kanya o umuwi ka na lang sa inyo. Praying for you and to ur baby. 🙏

it maybe unlikely but it is possible to be just friends with an ex. please give the guy the benefit of the doubt. best is to just ask him directly what's up with these chats instead of speculating..