DO I HAVE TO FEEL BOTHERED?

Mommies, will u also feel bothered kapag may ka-trabaho yung partner nyo na papansin sa kanya? Nababasa ko kasi lagi yung chat nila sa GC once na nag chat na yung bf ko, magchachat na rin tong babae tapos yung way nya lagi is yung parang inaasar nya yung bf ko, di po asar na namimikon ha, yung parang nakikipag asaran o lokohan ganon? Hindi naman po ako selosa alam po ng bf ko yan. Gusto ko lang pong ma-avoid na maloko na naman nya 'ko kasi nung nanliligaw palang sya sakin he once cheated on me na po and something happened. Nagbago naman po sya at nakikita ko naman po yun. I just don't trust yung mga babae ngayon lalo na po workmate rin namin before yung reason bat sya nag cheat sakin dati at nag-umpisa lang yun sa chat at biruan. If kayo po, papalagpasin nyo nalang po ba?

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hahah naku. Ewan koba sis bakit may ganyan meron din sa hubby ko, nakikipag asaran or lets say siya lang tong kusa ngapapansin sa asawa ko. Tipong sa dami naman niyang pwedeng pagtanungan kailangan laging asawa ko! Kaya ayun sinabihan ko asawa ko na nakakairita na si girly kaya kung di kolang kilala asawa ko baka na pranka na si ate ghorl sakin. Sarap kurutin ng baga. Pero since like you said nag cheat na siya sayo once, so siympre be paranoid na kasi iba ang mga higad. Be honest lang sa asawa mo huwag lang sa way na medyo ma offend mosiya.

Magbasa pa

Kaya mo nga nabanggit yung time na niloko ka before nung nanliligaw siya sayo e,kasi iniisip mo,na baka gawin niya ulit sayo. Kasi kung naniniwala ka na di ka niya maloloko,hindi mo naman babanggitin yun tungkol dun. Kausapin mo ang partner mo mamsh about your fears and worries. Let him assure you and secure you tungkol dito.If you trust your partner enough,kahit gaano pa pagpapapansin ni ate girl sa kanya,magtiwarik tiwarik pa man siya sa harapan ng partner mo,kung loyal sayo ang partner mo,wala magagawa si ate girl.

Magbasa pa

better tell you husband. dyan nagsisimula yan..yung LIP ko jan din sila nagstart nung babae, eh nahuli ko, kaso wala eh, nag away na kame at nauwi sa hiwalayan. Mahirap kase ibalik yung trust lalo na hindi ko alam kung kelan pa sila ganun. Dinedelete nya kase convo nila. Natyempuhan ko lang that time na magkachat sila tas inopen ko messenger nya kase he's been acting weird.

Magbasa pa
VIP Member

Once a cheater always a cheater. Ganerrrnnn yata peg ng bf mo sis. Talk to him about it na hindi ka at peace dahil natatakot ka na maulit na naman ulit pagkakamali niya before. Kung ayaw niya talaga tumigil then it's a red flag at dapat ka na mag isip-isip.

Nakakainis no? Parang once na nakita mo yung girl na lumapit sa bf mo e sasampalin mo na lang ng malakas. May gusto yun sa bf mo, obvious naman "nagpapapansin". Lahat ng mga babaeng ganun sa lip ko before binonlock ko, okaya ichachat ko muna tapos block na.

Kung saken po nangyare yan ako magrereply dun sa babae. Tanungin ko sya ano problema nya bakit papansin siya. Sasabihin kong lumugar sya sa dapat nyang kalagyan wag syang feeling close. Pag di pa nya nagets yun ay sya na boba. Savage na kung savage. 😤

If may history na, wag palampasin. Pero nasa bf nyo po talaga yun kung papatol ba sya or not. Usually naman po kaya nagkakalakas loob yung ibang babae kasi binibigyan din ng chance ng mga lalake. Kausapin nyo po partner nyo, momsh. Mas maganda ng malinaw.

NO. Kausapin mo yung husband mo not to reply sa chat ng babaeng yun or wag nalang pansinin at all. And she knows naman na pamilyado na ang asawa mo bakit pa sya nakikipaglandian diba? Nakakainis talaga yung mga babaeng ganyan. Kulang na kulang sa pansin.

Buti na lang ung hubby ko honest saken.. Kc sa work nila my niloloko sa kanya na girl buti at cnabi nia na kasal na sya kaya natigil atsaka cnabi nia din saken un.. At tiwala din ako sa hubby ko na nde sya magloloko

VIP Member

The only thing that will matter, Momsh is how your husband will reply to his workmate. If it's honestly bothering you, let him know. It happened before and I know you won't let it happen again.