Exhausted mind

Hello mommies. Ayaw ko sana ipost to pero di ko alam kung kanino ako magsasabi. Nakakalungkot kasi na sinabi ko na kay hubby ang suicidal thoughts ko, nagopen na ako. Pero ang sagot nya sa kin, "Akala ko ba kaya mo para sa anak mo? Puro porma ka lang pala." Birthday nya kasi sa march 1 pupunta sana kami sa pangasinan. Pero kanina lang kasi habang nagwowork ako, WAH po ako si hubby nasa field at ako lang magisa naiiwan kay baby, nastress na naman ako. Umiiyak na naman ako. Madalas na to mangyari sa kin na iuumpog ko ulo ko sa pader kasi pagod na ako. Ayaw ko na. Naaawa ako sa anak ko kasi madalas nya ko makitang umiiyak. Wala pa syang 1 year old ganito na nakikita nya. Ung point ko lang po e di ko makuha ung support sa asawa ko. Lumilitaw na kaartehan ko lang ung nararamdaman ko. Nalulungkot ako lalo kasi ganito. Hindi pa pwedeng magresign ako kasi kulan man ang sweldo nya kung sya lang ang nagttrabaho. Nakakapagod din pala ung ganito. Mahal na mahal ko ung anak ko pero ung utak ko pasuko na. Pagod na pagod na din katawan ko. Sana katawan ko na lang ang pagod. Magpapahinga lang ako tapos ok na ulit e. Pano kaya kung ung utak naman ang pagod. 🥺

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

salamat mommies sa input ninyo tungkol sa pinagdadaanan ko. ako po ung nagpost. di ko na po eexplain in detail pero dahil po sa mga shinare nyo, i decided na maghanap ng psychiatrist who can help me. although di pa nagrereply ung secretary. i also messaged my mother regarding this. sabi ko kausapin ko sya mamaya pagkatapos ko sa work. sana kayanin kong ikwento. sa totoo lang, sa thought pa lang na ioopen ko sa nanay ko, nagkakaanxiety na nman ako. nanginginig at nahihirapan huminga. isa pa siguro sa dahilan ung wala ako halos natapos sa trabaho. o baka un ang naging outcome? sa mga nagsabi pong kayanin ko para kay baby, please understand na sumusuko ako dahil din pakiramdam ko di ko nagagawa ang best ko para sa kanya. di po ako sigurado pero ung nararamdaman ko naaawa ako kay baby kasi ako naging nanay nya. kaya baka di ko din maiapply ung isipin ko si baby para di ko gawin ang bagay bagay. yes po, i pray everytime i encounter the feeling. every sunday po kami nagsisimba. kung sino nga talaga ang palasimba at paladasal, sila ang mas may kailangan sa Panginoon. gawa na din siguro ito ng past traumas ko nung bata ako. i always feel that i am not good enough. na laging kulang. and instead na salungatin yun ng mga tao sa paligid ko, parang mas napprove pa nila na oo nga kulang ako. may isa pang thought na sumagi sa isip ko kagabi. bakit pagkapanganak ng babae, the society expects them to be back to what they were before pregnancy?nakakalungkot na eto ung mundong ginagalawan ko.

Magbasa pa

hi, mommy. i understand you. may mga times na I feel so depressed and anxious. Grabe ang anxiety ko. your feelings are valid. One thing na realized ko, need mo i-open up yan. pwede sa very close friend mo or sa mother mo, or sa kapatid mo. hindi mo pwede ikimkim yan kasi mag-build up yang emotions mo, and pag hindi mo na kaya ikimkim, kung ano ano na lang ang pwede mo gawin sa sarili mo or sa baby mo. Masasaktan ka or si baby. kasi hindi na klarado ang pag-iisip pag ang emotions na ang nagsimula. Need mo lang po mommy mag-open up. If your husband ignores you, thats a warning na hindi niya fully-grasp ang pagiging role ng asawa. Much better na wag niyo na muna sundan agad ang baby. seek professional help. makakatulong din po yan. Your emotions and feelings are valid, mommy. andito kami as moms na makikinig sa lahat. kasi tayo lang na mothers ang nakakaintindi sa pinag dadaanan natin. Hugs, mommy ♥️

Magbasa pa
2y ago

Don't forget to pray mommy, lapit ka lang kay Lord. Hindi ka nag-iisa, I feel a lot of anxiety too since nagkaanak ako. it's really weird feeling pag kalaban mo mismo sarili mo. Kaya don't forget to pray poh. malalampasan mo din yan. I know hindi ganun kadali, pero wag ka lang sumuko para sa family at sa anak mo. isipin mo yan palagi, makakahanap ka din ng paraan. Trust ka lang kay Lord.

i feel you , ang magkaiba lang is wala naman problema sa mister ko , but i can relate the feeling about suicide2 , everytime magpadede ako or ako lang mag isa i feel so alone and lonely na feel ko walang nakaka intindi sakin yung feeling na bigla kang kakabahan na masakit dibdib mo na gusto mong umiyak , i already open up kay hubby about this kind of feeling at sabi naman nya andito lang daw sya kaya sinasabihan ko na sana d sya magsawang mag intindi sakin , at sabi ko baka PPD to . Hays i dont like this feeling kahit pinapagod ko sarili ko sa galaw2 linis2 o anumang pwede gawing pagka abalahan dito sa bahay d pa rin napapagod katawan ko .Pero i feel so tired and drained emotianally . Ang hirap sobra malayo family ko wala akong nakaka usap halos2 araw2 gabi na kasi nauwi si mister kay minsan pag uwi niya sobrang daldal ko , btw im 2months and 1week postpartum , cs with ligation at 24yrs old.

Magbasa pa
2y ago

ask ko lang po, bakit kpo nagpaligate agad?

Your feelings are valid. di yan kaartehan. Magsabi ka sa mga kaibigan esp. sa mga magulang mo. Saka please lang. wag nyo na susundan kung ganyan ka kitid utak ng mister mo. Wag ka din makikinig sa mga taong Toxic positivity alam. " Kaya mo yan, para sa pamilya mo, para sa anak mo" Yes they're right because the end of the day. dahil Sabi ng society na dapat kayanin mo. nakaka pressure na dapat nga kayanin mo na ikaw lang mag Isa. Pero in fact. you need help. Kailangan mo ng tulong sa partner mo, family, friends or maybe sa doctor na. wag ka mahiya sa stigma about depression. if ever meron ka. Pero mga professional makakaalm niyan. Eto payo kayo sayo. " Kayanin mo Sabihin sa mga mapagkakatiwalaan at kaya ka tulungan emotionally and psychologically.

Magbasa pa

mag open ka lang dito mii.pag bigat na bigat kana. madami ang makikinig sayo dito 🙂. madami ka makakausap. may bagay kase talaga tayo na di natin kaya masabi sa iba lalo na kung away mag asawa tapos mag oopen ka sa kakilala mo. Andiyan kase na di mo alam ipag ttsismisan ka. syempre nakakahiya din. Kaya sinasarili nalang natin ang problema. ako ginagawa ko nag ppray nalang ako. kaming mag asawa hindi kami ok ngayon. Masama ang loob ko pero dito sa forum nakakapag open ako. May ilang mommies pa din na mababait dito. Mag open ka lang pag di mo na kaya at nabibigatan kana. palagi mo isipin ang anak mo. Sakanya mo ituon ang pansin mo. tayong mga nanay matatapang tayo. at di tayo mattinag ng ganyang problema lang basta para sa anak kaya.

Magbasa pa

I feel you momsh but as of now I'm currently 25wks pregnant at may 3 yrs old son. Sa totoo lang naghahanap din ako nag pag oopenan ko about my thoughts pero wala akong mahanap I can't rely on my family since isa rin sila sa rason kung bakit dumating ako sa puntong to tas sa hubby ko naman ayokong mag open sakanya dahil ayokong masaktan sya .. naghahanap nalang ako ng tyming na ako lang mag isa para maiyak ko yung something na yun pero ang hirap grabe .. di ko alam kung san ako lulugar 😭😢💔

Magbasa pa

Mag pray kalang po and be strong postpartum po yata yan naranasan ko din. Nakaraan sa antok at puyat ko naiisip ko mag suicide kami ng baby ko. Pero clear ko agad mind ko. Inhale exhale lang po then pray. Kaya mo yan. Naawa ako sayo. 🤗 🤗 🤗. Tapos wala man lang care asawa mo. Kainis... Or talk to your friends po. Ako pag d ko na kaya yung sobrang dark na ng naiisip ko kasi single mom ako tinatawagan ko friend ko punta sa bahay sya mag alaga ky baby hanggang maging okay ako.

Magbasa pa

napahirap tlaga maging babae sa totoo lang. Lahat ng hirap nasa atin. tpos dagdagan na meron kang asawa na hindi naiintindihan ang feelings mo. Sis lumaban ka lang, Ako kapag stress iniisip kp futire ng mga anak namin. like ano kaya work nya paglaki? san kami maamsyal sa bdays nila. mga ganum ba pra magkaroon ka mg inspiration pa lumaban. Kasi wala kawawa anak natem kapag tayo ang nawala lalo na if maliit pa. MAG FAMILY PLANNING PRA HND MASUNDAN ANG ANAK LALO MAHIRAP BUHAY NGAYON.

Magbasa pa
TapFluencer

Gawin mo inspirasyon ang anak mo. Kung magagawa mo bigyan mo ng kahit konting panahon ang sarili mo para makapag isip ng tama, mag unwind ka, umiwas ka muna sa mga toxic na tao at lugar. Wag mo na ulet sasaktan sarili mo dahil ang mag suffer ng lahat ay ang anak mo. Palagi mo isipin na kailangan ka niya, kailangan nya ng ina na gagabay sa kanya.

Magbasa pa

Mas importante ang kalusugan mo at si Baby,magbakasyon ka muna Momsh. Mag-unwind ka,hayaan mo mister mo kung dika naiintindihan kase panigurado mag-aaway lang kayo. Kung andyan pa nman Mama at Papa mo o mga friends mo sa knila ka nalang mag-open up. Ikaw at ikaw lang din makakatulong sa sarili mo momsh. Be strong.

Magbasa pa