Exhausted mind
Hello mommies. Ayaw ko sana ipost to pero di ko alam kung kanino ako magsasabi. Nakakalungkot kasi na sinabi ko na kay hubby ang suicidal thoughts ko, nagopen na ako. Pero ang sagot nya sa kin, "Akala ko ba kaya mo para sa anak mo? Puro porma ka lang pala." Birthday nya kasi sa march 1 pupunta sana kami sa pangasinan. Pero kanina lang kasi habang nagwowork ako, WAH po ako si hubby nasa field at ako lang magisa naiiwan kay baby, nastress na naman ako. Umiiyak na naman ako. Madalas na to mangyari sa kin na iuumpog ko ulo ko sa pader kasi pagod na ako. Ayaw ko na. Naaawa ako sa anak ko kasi madalas nya ko makitang umiiyak. Wala pa syang 1 year old ganito na nakikita nya. Ung point ko lang po e di ko makuha ung support sa asawa ko. Lumilitaw na kaartehan ko lang ung nararamdaman ko. Nalulungkot ako lalo kasi ganito. Hindi pa pwedeng magresign ako kasi kulan man ang sweldo nya kung sya lang ang nagttrabaho. Nakakapagod din pala ung ganito. Mahal na mahal ko ung anak ko pero ung utak ko pasuko na. Pagod na pagod na din katawan ko. Sana katawan ko na lang ang pagod. Magpapahinga lang ako tapos ok na ulit e. Pano kaya kung ung utak naman ang pagod. 🥺