Wag na Magexpect
Minsan iniisip ko na lang wag na magexpect oara di na ako mainis. Expect ako ng expect pero nadidisappoint lang ako eh. Kung ano lang ang kaya nya ibigay, yun na lang, magpasalamat na lang. Kung ano lang yung concern na kaya nya iextend, yun na lang. Wag na asahan na magmop sya.. or iprepare ano man kailangan ko or ianticipate ang needs namin mag-ina nya. Ganun talaga. May mga tao na limitado lang ang nakikita ksi mas nakikita nila ang needs nila, sarili nila. May mga tao na limitado lang magmahal. Ganun talaga. Ako kasi nakagisnan ko na handa na lagi ang lahat, gagamitin ko na lang or kakain na lang ako. Siya lumaki sya sa isang pamilya na OFW ang ina at siya lagi inuutusan. Utos. Naghihintay sya lagi ng utos. Pero pag puro utos ako naiinis sya. Ano ba napangasawa ko, utusan? Walang sariling pagiisip? Hindi naman eh. Pero yun ang nakagisnan nya. HAAAAAY na lang.