walang gana kumain

mga sis wala kc ako gana kumain....kpg ako ngluto ayoko kainin..ayoko nmn ng mga fast food...bkt gnun ang hirap ng prang wala kng panlasa...gusto ko s karinderia pero gusto ko masarap ang luto wala nmn bumili ng food for me...ang hirap ng ganito...sino s inyo ganito din naexpirienc?10weeks here..going 11weeks..

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mamsh. Bumabawi nalang po ako sa milk and skyflakes pag wala talaga akung gana... Pero kahit wala po akung panlasa and any time masusuka kasi nga nasa stage pa tayu na umaatake yung mga morning sickness, kaya kahit wala pong gana pinipilit ko pong kumain ng rice and veggies kahit maiyak ako kasi nga hindi masarap.. After kumain , kakain ako ng mga prutas mamsh para po hindi masyadong magutom kasi ang konti lang ng kinain ko.. Tiis2 lang po muna tau mga mamsh.. Sooner or later mawawala na din to :)

Magbasa pa

Ganyan din ako mommy nung first trimester. As in wala talaga kong gana and kung may gana man ako sinusuka ko lang talaga. Bawiin mo sa fruits and crackers/bread. Make sure din nainom ka ng milk para kahit pano nagkakanutrients kayo ni baby. Try mo mag smoothie or shake. Laking tulong sa appetie yung cold drinks. Eat lots of banana, nakakatulong din siya 😊

Magbasa pa

Ako mamsh, pero nag o oatmeal ako with milk... Un inadvise ni OB sakin.. O kaya skyflakes tapos boiled egg sa umaga with salt... Tapos nag zizip lang ako ng gatorade kc extreme vomiting ako nawawalan na ako electrolytes papunta na ako sa HG case eh kaya halos walang gana kumain... Kaya try mo mami oatmeal.. Life saver sakin.

Magbasa pa

Ganun din ako. Para akong laging may skit. Maselan masyado pang amoy ko. Khit mga luto ng kapitbahay panay na aq suka. Sa Milo Lang ako parang nabubuhay ngaun at skyflakes. D ko talaga kaya ang mga milk khit ung anmum na Choco...sobrang hirap. Pati sabon ang baho pati tooth paste. Kaya parang ayaw q maligo 😬😬😬

Magbasa pa

Ganyan din ako now 10weeks pregy din ako di ako makakain ng maayos kasi iba din panglasa ko kaya inum ng inum ako tubig na malamig kasi kng di naman malamig ung tubig panglasa ko parang mapait nakakain din ako ng kunting kanin pero gsto ko ulam ung mga dry gaya ng prito..

Ganyan din ako sis sa 1st tri ko and til now medyo nagkakaprob ako sa panlasa pero malakas na ko maen kelangan ko na nga magdiet ee.. pagdating 2nd tri makakarelax kna nyan kahit panu.maen ka parin kahit panu para ke baby dn wag palipas ng gutom.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-108208)

Same. Yung tipong gusto mong kumain at gutom ka na tas pag naka amoy at naka kita ka ng pagkain, biglang mawawalan ng gana.. I lost 10lbs because of that, pero eto ko ngayon, bumabawi na sa pagkain at 12 weeks 😁

nung dpa aq buntis aq din nagluluto ng food ko,konti lng nakakain ko lalo pag dq kasabay hubby ko.. Now 11weeks pregy okay na kain ko c mama kc lahat nag luluto ,sunday o sat lang kain labas...

Hindi ka nag iisa Sis. Napapaiyak na lang ako pag kumain ako tapos ayaw ng tyan ko 😢 Wala na naghihina na ako. Every morning na lng ako ganito. 11 weeks and 1 day 😇