??
Hirap na hirap po ako kumain, wala po akong gana kahit gustohin ko man na kumain huhu, ang hirap ng ganito. Ako lang ba nakakaranas ng ganito? 10 weeks pregnant po ako.
normal lang yan... lalo na sa first trimester... may time nga nga isang Skyflakes lang kain ko every meal... yun lang gusto ko kainin or isang apple... kaya from 92 kilos mabilis ako nag 82 kilos sa first trimester... may times din nun na Vitamilk lang dinner ko... no other food. Dahil sa bilis ng pagbaba ng weight ko nabahala ang husband ko kay lagi nya ako binibilhan ng Jollibee or mainit na pochero pero sinusuka ko lang lahat... lalo na pag baboy... ma-amoy ko lang ang baboy na ulam, kahit anong dish pa yan, suka lahat. Ganyan ako hanggang nag four months... and ngayon 32 weeks na, im back to normal.. malaking problema nanaman ang pag lobo ng weight ko hahahahaha 95 kilos na ako.
Magbasa paNormal lang po yan sis sa first trimester. Try mo nalang mag prutas at kumaen ng may sabaw. Saken kasi dati nakakatulong yong makatas at masabaw na pagkaen para malunok ko agad pero siyempre isusuka pa din (pero di naman always nagsusuka) tapos kaen ulit ng ganon mas masakit magsuka pag walang laman ang tiyan kawawa si baby. Btw, I'm 31 weeks and 4 days bawi ka nalang kumaen pag nasa 2-3 trimester ka na. ๐
Magbasa paNormal po un. Kaya maswerte ung mga buntis na di dumaan sa paglilihi na stage. Kasi dinanas ko din yan. Walang pinipiling oras ang pag suka. Tapos ung amoy kalaban mo din un kasi mabaho kahit di nman. Pero be patient malalagpasan mo din yan. 23 weeks pregnant here. Kalaban ko nman ngaun ung pag tulog, at gutumin. ๐
Magbasa paKumaen ka ng gusto mo..ung tlgang gusto mo un kainin mo tas konti lang magkalaman lng tyan mo..then wag ka hihiga agad kse ung acid mo tataas yan susuka ka ..pahinga ka ng 2-3hours bago humiga..pag everytime na kakaen ka ung pagkaen lang muna na hinahanp hanap mo at gusto mo..
Babalik din po ung normal stage ng pagkain ninyo and everything after manganak. :)) cant wait nga po eh kase ganyan na di nararamdaman ko po kapag sobra kinakain nasususka kapag sakto lang kain ko gutumin di macontrol ang pagkain. 26 weeks preggy.
Same po 5 months akong ganyan suki na ako ng ospital kasi lagi ako na dedehydrate sinusuka ko lahat, laban lang momsh para kay baby kumain ka kahit konti wag madami tas pag nagutom ka kain ka ulit madali kasi mabunsol pag ganyan
Ganyan din akom. Ang gingawa k pag medjo ok unh pkiramdam ko kumakain agad ako.. pero di yan magtatagal sinusuka k pdin.. ๐คฃ kht sinusuka ko pagkatpoz kumakain ako kasi kawawa nmn c baby.. Prutas mga kinkain ko at gulay.
Its normal po yan hanggng 3 months, pilitin mo po kumain, isipin mo po si baby sa tyan mo, ganyan din po ako... Ayoko ng makakita ng maraming putahe hnggang 3 months, paglagpas na po nyan ng 3 months mawawala na....
Gan6an din ako hanggang 4months pero bumalik din appetite ko pgka 5months.... Ginawa ko nun... Khit isabg sandok lng ng kanin tska kinting ulam mgkalaman lng tiyan tska home made na fruit shake....
Ganyan din ako sis lagi nga akong nasa hospital kase suka lng ako ng suka kahit walang kinain hanggang 4mons nag try ako mag vitamins ng poteen cee ayun lumakas ako at nagkagana ako
soon to be mom of two