Pain during labor or delivery

Mga sis, pano nio po idedescribe yung pain nung manganganak na kayo? Natatakot kase ako baka di ko kayanin..share naman ng experience jan.. Salamat

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

For me sis hindi maipaliwanag ang sakit. Especially dahil induced labor ako. 24 hours akong naglabor. Sinusuntok ko yung dingding kapag nag cocontraction. Bugbog sarado yung partner ko kasi habang hinihilot nya balakang ko dahil sobrang sakit, kung san2x ko naman sya pinipisil. Tutulo nalang luha mo ng di mo namamalayan at halos maubusan ka na ng hininga pero kinakaya mo kasi baka mapaano si bb sa loob. Hindi ka rin pwedeng umere at sumigaw. Inhale exhale lang talaga kasi may nakabantay palagi na nurse sayo. Akala ko mamamatay na ako nun. Naubusan na ako ng lakas bago mag 9cm. Halos wala na akong hininga kahit naka oxygen. 😭😭😭

Magbasa pa
6y ago

wala panaman panubigan na lumalabas

hindi maipaliwanag na sakit halos hindi mo alam saan ka aayos ng pwesto kasi wala ka talagang mahanap na pwesto maayos sa sobra sakit..yung tipong ayaw mo ng may kumakausap sayo halos hindi kna makangiti sa sakit ngalay na ngalay ang balakang mo akala mo winalis mo ang buong barangay sa hindi maipaliwanag na sakit sa balakang mo..sobrang hirap mag labor mauubos energy mo gutom na gutom at uhaw ako after ko manganak kasi pinagbabawalan na kumain kahit uminom pag labor na..pero nakakaproud sa sarili pag nailabas muna ng ayos si baby parang maiiyak ka at masasabi mo ang galing galing mo at nakaya mo.

Magbasa pa

Normal kabahan o matakot pero wag dapat tayo dun magdwell kasi baka di mailabas ng maayos si baby. Tip ko lang is dapat relax lang, wag msyado ioverthink especially naffeel ni baby yung fear natin pag nasa womb siya. Anyway pag ayan na, ayan na talaga. Sa labor room mo nalang ilabas lahat ng sigaw. Walang kapantay na sakit, yes. Pero Lilipas din yan at positive lang po mommy, para kay baby naman. At abot langit naman ang saya po pag nakita niyo na si baby sa tabi niyo. Pray lang at lakasan ang loob po. Kaya mo yan mommy. God bless.

Magbasa pa

Natakot din ako nun. Isang linggo ata bago ako nanganak, iniisip ko kung makksurvive ako sa sobrang kaba ko. Tapos nung naglabor na ako,grabe. Parang susuko ako sa sobrang sakit. Pero nung matapos na, sarap sa pakieamdam. Ngayon nga na nakalabas na si baby, minsan parang hinahanap hanap ko ung sakit ng labor. As in. Ako lang kaya to? Ung nakakamiss ung labor pain. Ung sakit habang nilalabas ko si baby, parang gusto ki ulit. Hahahha

Magbasa pa

Masakit sya! hahaha. Yung umpisa para ka lang may dysmenorrhea kasi may contractions pero pag nasa active labor ka na yung tipong hinihintay ng nurse na mag 10cm ka , Gawin mo 10x yung sakit ng dysmenorrhea mo with matching sakit ng balakang na mapapa angat pwet mo sa sakit plus yung feeling na mapupoop ka ng malaki na hindi mo mailabas. Unforgettable pain I would say pero worth it yung sakit pag nakita mo so baby.

Magbasa pa

mamshie. Think positive lang. Lagi mo isipin kung pano mo sya mailalabas ng maayos. take note wag po mag iinarte during labor kasi habang tumatagal si baby maraming causes na nangyayare sakanya sa loob. so much as possible, Ire mo nlng ng iire. Lagi mo rin isipin na "WORTH IT LAHAT NG PAIN NA MARARANASAN MO AFTER GIVING BIRTH" goodluck sating Lahat ❤

Magbasa pa

Yung pain po na naranasan ko para akong magkakaroon na ewan na madudumi sasakit tas biglang mawawala, pero chill pa rin ako nun sa bahay lakad lakad lang, pabalik balik pa ako sa cr kase baka nadudumi lang ako, at yung last eh hindi mo na kakayanin yung sakin na parang gusto mo iire na todo, after naman nun solve ka at nairaos mo sya and masaya 😊

Magbasa pa

Unexplainable yung pain, yung tipong kaya mong suntukin yung pader ng hindi nasasaktan kasi mas painful pa yung paglalabor mo. 😂 wag mo munang isipin yun baka panghinaan ka ng loob. Isipin mo na lang kung nakaya ng nanay mo kaya mo rin. 😊

VIP Member

Un pain sobra hnd mo maexplain pero isipin mo nalang momsh na un iba mommy kinaya ikw pa kaya :) isp ka lagi ng psotive pra d kung ano ano naiisp mo at pra d ka matkot. Gnyan dn ako nun buntis ako pro ngiisip ako iba bagay

makakaya mo yan pag nandun kana sa time na yun, higitan mo pa pag sumasakit yung pusin at balakang mo, parang hinahati yung balakan mo pero pahilot hilot mo lang yung balakan mo habang nag lalabor ka malaking ginhawa yun