Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Hello
34 weeks pregnant
Normal ba medyo masakit or nakakaramdam ng pressure sa private part lalo na pag tumatayo. Feb 23 po due date ko. Wala naman discharges and magalaw naman si baby pero pag tumatayo ako sumasakit down there.
Family vs Husband
Pa advice naman po. My mother and siblings are living with me and my live in partner. I bought a house and my family decided to move in with me. Medyo malaki kasi yung bahay for us 3 lang (husband,daughter,me). My mom helped me with some finances(300k)when we acquired the house and I have been paying and live in this house for almost 3 years na. Now, my husband has an argument with my siblings and my mom is siding with them. She wants to move out eventually. I felt bad because naiipit ako sa gitna. I'm sad because they are my family but I also want to feel this is my own house. Walang nanay nakikialam, ung feeling na kahit bahay ko di ko ma feel kasi mas mdami ka kapatid at nanay sa bahay and I cannot set my own rules. I feel so kontrabida na kinakampihan ko si hubby though tama naman yung side nya. Ayaw nila sa ugali ng asawa ko na baliktad sa ugali nila and I also feel like pinagkakaisahan nila kami including my mom.
Skin Problems ni baby
Hello po mommies, Medyo magaspang yung dibdib and likod ni baby. Pansin ko din galit na galit yung pores nya. 2 years old na si baby lagi ko naman nilalagyan ng lotion pero walang nangyayari. Ano po kaya to and ano pwede gamot? Madalas po kasi kamutin ni baby
Need advice mommies
Hingi lang po sana ng advice. Nai stress ako dahil naiipit ako in between sa live in partner ko and sa family ko. Nakakuha ako ng bahay sa pag ibig with the help of my parents. Nadagdagan nila yung downpayment kaya ko nakuha pero sakin nakapangalan and ako din nagbabayad monthly. Nanganak ako last year sa first baby ko and kasama ko sa bahay ang LIP and mother ko pati 3 kapatid ko nag-aaral. Kakamatay lang kasi ni papa last year after ilang months after namin makalipat. So naistress ako kasi gusto paalisin ng LIP ko ang family ko sa bahay. Mahirap magdecide kasi more than half ng downpayment magulang ko nagbayad and tumutulong din naman sila sa bahay. Nawalan ng work ung partner ko recently pero sya nababayad ng house as our agreement na din. Ako sa gastos sa bahay like food, baby expeses and other bills. Breasfed si baby kaya di ko problema gatas nya. Patay na si papa so walang sasandalan nanay ko and may pinagaaral pa sya. Nagiipon din ako para mapalitan yung nagastos nila mama sa bahay pero di ko intention na palayasin sila. Gusto ko yung alam ko kaya na nya bumukod or if magkukusa sina mama umalis. Sobrang panget ng mga naririnig ko sa LIP ko. Kung magsalita sya parang di ko pamilya yung pinasasalitaan nya. Wala naman sya trabaho at di rin sya gumagalaw sa bahay. Alaga lang sa baby namin. Oo, may konti pera sya naitabi pero mauubos yon in 2 months na paghulog nya ng bahay. Chill lang sya at prang walang pressure na maghanap ng bagong work. In short, kuntento sya na walang work at ako ang kumakayod. Call center ako, sa umaga di ako makasleep ng maayos kasi direct latch si baby so wala talaga ako maayos na tulog. Super toxic na kasama ng partner ko. Puro reklamo sa pamilya ko naririnig ko sa bibig nya. Gusto ko mag stop magwork para makafocus sa baby pero di ko magawa kasi walang work yung partner ko tsaka baka lalo nya isumbat if sya na din gagastos sa bills sa bahay. Gusto ko sana umupa na lang and i give up yung bahay kaso walang work si mama para hulugan yung bahay buwan buwan. Ayaw ko lang talaga nakakarinig ng reklamo sa partner ko lalo na pag nagdadamot sya sa gamit namin.
Dry Patches
Hello po. Ask ko lang po if ano remedy sa dry patches kay LO. 1 year and 4 months na sya. May dry patches sya sa may bandang taas ng pwet nya, dati pa yun kaso napansin ko medyo lumalaki and kinakamot na ni baby so feeling ko makati sya. I tried Cetaphil Restoration Cream pero parang walang effect and improvement kasi lalo lang kinakamot ni baby. Any recommendations na pde gamitin? Di po kasi available si pedia nya and don't want to take the risk of bringing LO outside.
Remedy sa pamamaga ng ipin
Hello po. Have you tried to take antibiotics while breastfeeding? Namamaga yung ipin ko and I am hesistant magtake ng antibiotics kasi nagpapadede ako kay lo. Have you experience this mommies?
Vaccines after 1 year old
Totoo po ba na hindi na libre ang vaccines sa center ng baby after 1 year old?
Nebulizer
Hi mommies! Maganda po ba na brand yung Partners Classic as nebulizer?
Help!
May red spots si baby sa face, arms , tummy and paa nya. It started nung tuesday , napansin ko nung lumabas kami ng 7am ng umaga para sana magpaaraw but after 10 mins biglang may red spots si baby around her lips kaya pinasok ko sa bahay. Nawala naman agad after 2 hours pero yesterday napansin ko may 2 red spots sya sa may pisngi , sabi ko baka kagat ng lamok pero di sya nawala hanggang kinabukasan . Paguwi ko galing work ayan na yung dinatnan ko. Dumami yung red spots ni baby sa face , body , arms and konti sa paa. I asked her yaya, nung tanghali daw wala naman pero after nila magstroll sa park ng hapon paguwi nila ganyan na face ni baby. imomonitor ko si baby tonight if mawala or kumonti man lang. Nagwoworry ako baka sa napa pump ko na milk baka may nakakain ako bawal sa kanya or may mali ako ginawa sa pagpa pump or may something sa hangin sa village namin .
Pwede po ba?
May lagnat po ako ngayon , pwede pa din ba ipadede kay baby yung mapa pump ko ngayon kahit may sakit ako? I'm wearing mask po kasi tabi kami matulog . Ipa pump ko nlng sana uung milk since takot ako mahawa si baby sa lagnat ko. But is it still okay to give her my milk kahit may lagnat ako?