Mga sis, palabas po ng asar!
Naiinis ako sa asawa ko, kakauwi lang namin sa bahay galing kami sa province pero mas msstress pa pala ako pgbalik ko. Kaayos ng usapan namin, sabi pa niya gusto niya kami alagaan magina, kaya gusto niya umuwi na kami. Ngayong nakauwi na kami, hindi man lang gumawa ng paraan para maging maayos yung bahay, tapos ang dami pang sira ulti mo door knob sira! Ano kaya ginawa niya nung wala kami. Tuloy na pupwers ako gumalaw cs pa naman ako 1 month pa lang ako nakakarecover kung tutuusin di pa sapat yun. Naglalaba naman siya at minsan naglukuto pero kung di mo pa pupukpukin saka hindi siya agad nakikinig sa akin. Gusto ko sana kapag narinig na niya susundin na niya. Para hindi nakakarindi kapag paulit ulit kasi kung kaya ko naman di ko naman iuutos at ayoko rin ng pala utos. Kaya kahit hirap ako ginagawa ko pa rin kahit paminsan sumasakit na tahi ko. Nasaamin kasi si mama ko, ayoko siya pgalawin sa bahay kasi nahihiya na nga ako sa kanya, at magaalaga siya kay baby habang work ako. Pero sana ipakita naman niya na inaalagaan niya kami or patunayan naman niya sa mama ko na kaya niya kami alagaan tulad ng napagusapan namin. Tas ngayon na may bisita kami dumalaw mga pinsan ko. Saka magtutulog tulog. Ano yun puyat lang? Eh hindi na nga siya napupuyat magalaga kay baby. Mas puyat kami ni mama at lalo na si mama kasi katabi niya si baby. Nahihiya tuloy ako sa mama ko. Tapos ngayon sabi ko sa kanya bibili kami ng bote ni baby at magkukulang yung bote niya gagamitin ko sa pgpump ng breastmilk ko kasi work na ako tomorrow na kahit hindi pa pwede pinilit ko lang, sabi ko maligo na siya. Aba eh tinulugan na naman ako. Mommies naiinis lang talaga ako, gusto ko lamukusin mukha niya kya ngayon kahit gabi na takbo parin ako sm para makabili ng bote. Iniisip ko na lang gagawin ko to para sa anak ko, butit andiyan mama ko, kahit papano may inaasahan ako. Ayoko lang talaga iparinig sa mama ko na magaaway kami. Mga mommies na may experience sa ganito, pano niyo po napapasunod mister niyo? Ano po ba dapat ko gawin sa kanya o saakin? 1 month palang ako nakakapanganak at 1 month mahigit palang kami kasal. Pa advice naman momsh. Nahihirapan kong intindihin siya. Di ko alam kung nananadiya ba siya o wala lang siya paki alam sakin sa kalagayan ko? Kasi sa part ko gusto ko siya kausapin kaso mas pinipili ko muna mnahimik kasi mas nauuna yung luha ko pag nageexplain ako ng mga hinanakit ko eh ayaw ko naman makita niya na weak ako. Tia mga momsh. Sorry po sa drama ko. Wala lamg po ako masabihan ng sam ng loob ko. ?