Stress sa biyenan

Pano ba mawalan ng pakialam? Stress na kasi ako sa biyenan ko. Simula nung nanganak ako lagi na lang siyang may inis sakin kahit sabihin niya na hindi siya galit pero yung mga kinikilos niya ramdam mo na may inis siya sakin. Kakauwi ko lang galing ospital , masakit pa yung tahi ko , nanghihina pa ako pero ang dami na niyang utos , ayusin ko daw yung gamit ng baby ko kahit maayos naman ang dami pa ring sinasabi. okay lang naman sakin na pagsabihan ako pero hindi dapat idaan sa pagkairita. Pinipilit ko na kumilos para naman wala siyang masabi kahit kailangan ko ng pahinga. Nag sorry na ako sa kanya kasi akala niya sinagot ko siya pero pinaliwanag ko lng naman yung side ko. Kaya ngayon lagi na lang akong nasa kwarto , mahiyain kasi akong tao kaya lagi lang din akong nasa kwarto tsaka ayoko na rin silang kausapin kasi kahit wala naman akong ginawa naiinis siya sakin , ayaw ko na rin makisalamuha sa kanila kasi mamaya mapuno na ako at masagit ko sila. Gusto ko na lang umuwi sa mama ko , pero di ko magawa kasi iniisip ko pa rin yung sasabihin nila at naiinis ako sa sarili ko dahil kahit nahihirapan na ako sila pa rin iniisip ko. Stress na ako pero hindi ako galit sa kaniya ayoko lang ng away dahil nanay siya ng asawa ko ,gusto ko magkakasundo pero sa pinapakita niya mukhang malabo.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Try nyo po mag open up sa asawa nyo na yan yung nararamdaman nyo maybe he can help sa problem nyo po. Mag focus ka na lang po sa baby at family nyo po. Hindi po talaga natin ma piplease yung ibang tao ang importante nagampanan mo ang pagiging isang ina at asawa.

hugs po momsh❤😊 in my opinion po, mas unahin nyo po alagaan yung sarili mo at ang baby mo po...❤ saka na sila. need mo pa po magpahinga lalo kakapanganak mo palang po❤