Inis kay Mister!

Mga sis, palabas po ng asar! Naiinis ako sa asawa ko, kakauwi lang namin sa bahay galing kami sa province pero mas msstress pa pala ako pgbalik ko. Kaayos ng usapan namin, sabi pa niya gusto niya kami alagaan magina, kaya gusto niya umuwi na kami. Ngayong nakauwi na kami, hindi man lang gumawa ng paraan para maging maayos yung bahay, tapos ang dami pang sira ulti mo door knob sira! Ano kaya ginawa niya nung wala kami. Tuloy na pupwers ako gumalaw cs pa naman ako 1 month pa lang ako nakakarecover kung tutuusin di pa sapat yun. Naglalaba naman siya at minsan naglukuto pero kung di mo pa pupukpukin saka hindi siya agad nakikinig sa akin. Gusto ko sana kapag narinig na niya susundin na niya. Para hindi nakakarindi kapag paulit ulit kasi kung kaya ko naman di ko naman iuutos at ayoko rin ng pala utos. Kaya kahit hirap ako ginagawa ko pa rin kahit paminsan sumasakit na tahi ko. Nasaamin kasi si mama ko, ayoko siya pgalawin sa bahay kasi nahihiya na nga ako sa kanya, at magaalaga siya kay baby habang work ako. Pero sana ipakita naman niya na inaalagaan niya kami or patunayan naman niya sa mama ko na kaya niya kami alagaan tulad ng napagusapan namin. Tas ngayon na may bisita kami dumalaw mga pinsan ko. Saka magtutulog tulog. Ano yun puyat lang? Eh hindi na nga siya napupuyat magalaga kay baby. Mas puyat kami ni mama at lalo na si mama kasi katabi niya si baby. Nahihiya tuloy ako sa mama ko. Tapos ngayon sabi ko sa kanya bibili kami ng bote ni baby at magkukulang yung bote niya gagamitin ko sa pgpump ng breastmilk ko kasi work na ako tomorrow na kahit hindi pa pwede pinilit ko lang, sabi ko maligo na siya. Aba eh tinulugan na naman ako. Mommies naiinis lang talaga ako, gusto ko lamukusin mukha niya kya ngayon kahit gabi na takbo parin ako sm para makabili ng bote. Iniisip ko na lang gagawin ko to para sa anak ko, butit andiyan mama ko, kahit papano may inaasahan ako. Ayoko lang talaga iparinig sa mama ko na magaaway kami. Mga mommies na may experience sa ganito, pano niyo po napapasunod mister niyo? Ano po ba dapat ko gawin sa kanya o saakin? 1 month palang ako nakakapanganak at 1 month mahigit palang kami kasal. Pa advice naman momsh. Nahihirapan kong intindihin siya. Di ko alam kung nananadiya ba siya o wala lang siya paki alam sakin sa kalagayan ko? Kasi sa part ko gusto ko siya kausapin kaso mas pinipili ko muna mnahimik kasi mas nauuna yung luha ko pag nageexplain ako ng mga hinanakit ko eh ayaw ko naman makita niya na weak ako. Tia mga momsh. Sorry po sa drama ko. Wala lamg po ako masabihan ng sam ng loob ko. ?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Una mong gawin is kumalma. Hormonal ka pa kaya madali kang mastress. Sunod is kauspin mong maayos ang mister mo na kailangan mo ang tulong niya. Wag mo siyang utus utusan kasi yan ang mafifeel niya na para mo siyang atchoy, pakiusapan mo lang. Huli ay babaan mo ang expectation mo. Dense talaga minsan ang mga lalaki. Di nila nagegets kadalasan na inis ka na, na nahihirapan ka, na nagpaparinig or nagpaparamdam ka na. Better na diretsong pakiusap na lang mas maiintindihan niya yun. Patience lang mommy and hugs to you! Malalampasan mo yan.

Magbasa pa
5y ago

Totoo yan sinabi nya. Ganyan din kasi amo non. Same sayo. Madali nga tau ma imbyerna kasi may hormonal imbalance. Asa naman kung maiintindihan nila yon. Hehe. 1. Talk to him ng kalma, kasi tama sya ganun feeling nila utusan. Siguro dahan dahan lang ang pag utos. Mahinahon at malambing. Naalala ko non sbi pa sakin ng asawa ko "ANO MAY IUUTOS KAPA?" Asar na sya e hehe.. e ganun kc lalaki. Saka dba wala pa kayong sex din ng ilang buwan. Sa kanila mahirap na ung ginagawa nya. Kaya pag may inutos ka at ginawa naman nya.. mag thank you ka or hug mo sya. Kamo dalasan nya hehe at bilisan kasi kamo nahihiya ka din sa mama mo. Di ka naman nya siguro pinabayaan nun buntis ka db. Malalagpasan mo din yang pagiging mainisin. Mag galaw galaw ka pwro wag mag bubuhat muna ng mabibigat. Si Baby lang buhatin mo. 2 months ako bago naka recover sa cs. Pagalinh ka. Kain ka ng gulay, masasabaw. At tanong ka ng vitamins mo sa OB mom pra d ka magkasakit. And pray 🙏🙏🙏 At smile. ☺️☺️☺️ Kasama nyo n

.. Bka po mabinat k niyan ksi 1 month plan, Wlang konsederasyon ang asawa mo, kinsl kayo ng aswa mo, my sinumpaan kayo, peo bkt gnun ang inaasal sayo? Anong hlga niya sayo kung gnyn lang ang pagtrato sayo?. Sana pag tibayan mo ang loob mo, mag tiwala k lang. Mkkya mo dn yan. Pag kaya mona srli mo, kailangn mo syang iwan pra matuto sya. Mas ang kailangan ang algaan ang srli mo at ang anak mo. Tska anjn nmn ang mama mo, d k nian pbbyaan.

Magbasa pa
5y ago

Napapaisip din ako momsh sa pagiwan sa kanya kapg lagi siyang ganyan kasi nagusap na kami talaga kami about diyan. Pero try ko muna kausapin, iniisip ko na rin umalis dito sa poder niya uuwi ulit kami ng province namin. Doon mas masaya pa. Kaso bibigyan ko pa siya ng chance. Ang hirap momsh sa part ko parang wala ako masandalan na partner. Buti nandito mamako. Huhu

VIP Member

ganyan na ganyan hubby ko sis hehe habang binabasa ko ung kwento mo parang nakikita ko sarili ko kaya kinausap ko sya masinsinan kung ano ba talaga plano nya kase mahirap pag gnyang kinikimkim mo lang baka sumabog ka atleast nasabi mo yung kailangan mo sabhin para atleast alam nya rin bigyan mo ng ultimatum pag hindi parin nagbago.

Magbasa pa

ganyan dn c partner d masabihan isang beses.. ayoko dn makalat kaya nun kahit 2wks palang nung kapapanganak ko e nagwawalis walis nko pero sya pamili at luto pati laba.. gngwa ko cnsbhan ko ulit sya para sumunod. Naku momsh baka mapwersa ka pag pumasok ka agad sa work 1month palang simula nanganak ka

Magbasa pa
5y ago

Momsh wala po ako magawa eh. Tambak ang utang namin, kaya need kumayod. Naiinis ako di porke bahay niya to eh ganun na siya. Momsh nahihirapan po ako huhu.

For me, better talk to him and be honest pero in a gentle way. Pra peaceful ang usapan, hnd sigawan. Importante n alm nia n nhihirapan ka kesa maiipon at sumabog ka. Umpisahan mo nlng ung usapan nio ng kalmado at with respectful words.

5y ago

Gusto ko nga din kausapin ng maayosnkung ano problema niya kung ano iniisip niya kung may pinagdadaanan ba siya. Kaso nauunahan ako ng asar.

VIP Member

Kausapin mo nang masinsinan. Wag ka padaig sa stress. Alalahanin mo kapapanganak mo lang. Cheer up momsh!

Talk to him sis. Then pray

VIP Member

I feel you. momshie.

5y ago

Ang hirap pala momah ng buhay amay asawa. Huhu

Up

Up