Share lang po

Magshishare lang po ako, wala kasi akong mapaglabasan ng sama ng loob ? Sobrang sama ng loob ko sa papa ko ngayon. Sabi nga ni mama wag daw ako magtatanim ng sama ng loob kasi tatay ko yun, pero kasi sobra na siya. Palainom siya tas pag nalasing parang sinasapian ng demonyo (sa totoo lang). Buntis po ako and graduate na ako pero parang nadidisappoint siya sakin kasi di ako nakatulong sa bahay. Gets ko naman po yun, pero ako nagpaaral sa sarili ko and may scholarship ako noon. Never ako nanghingi ng pera sa kanya, nagbibigay pa nga ako eh. Bumili rin ako ng gamit sa bahay nung nag-aaral pa ako and siguro nga di pa sapat yun, pero para sigawan nya ako tas paramdam na wala akong kwenta at palamunin lang ako, parang grabe naman ata yun. Lahat ng pangkain sa bahay, bills, sagot ng ate ko kaya di ko gets bakit ganun siya kung makaasta? Di rin naman ako nanghihingi pampacheck up sa kanya, yung pangpaanak ko rin iuutang ko muna kay ate tas babayaran ko rin naman. Oo, nabuntis ako ng 23 pero di naman porke ganun di na ako tutulong sa bahay. Na hanggang dito na lang ako kasi magwowork din naman ako pagka-kaya ko na. Kung di lang maselan pagbubuntis ko at di ko mahal nanay ko, nilayasan ko na bahay namin. Pasensya na po medyo negative. Wala kasi talaga akong malabasan ng inis. Thank you po.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganun talaga nagagawa ng alak, sis. Ignore mo nalang, ikaw kasi ma sstress. Tawanan mo nalang siya kasi ang kapal ng apog magsalita ng ganyan eh hindi naman pala sya yung nagbibigay ng pagkain diyan sainyo. Atsaka sis. Asan ung partner mo?

4y ago

Nagstudy pa siya sis pero pinupuntahan nya naman ako weekly. Di naman ako pwede makitira sa kanila sis kasi di pa namin pinapaalam sa parents nya na buntis ako (due to personal reasons) and mas gusto ko talaga kasama si mama kaya ayun, tiis lang talaga ako dito sa bahay. Thank you sis :)