Aswang??
Hi Mga sis naniniwala po ba kayo sa aswang?
Ayy sorry po hindi ko na explain ng maayos. Kasi sabi nila ang mga aswang daw nababangohan sa mga buntis at di daw nila ito titigilan hanggat di nila nakukuha yung bata sa loob ng tiyan. Di ba dyan naman natatakot lahat kasi daw pumapatay nga ng tao? So kung kursonada talaga nila ang mga buntis, sa dami ba namang buntis imposibleng wala silang makukuha dun
Magbasa paDati hindi pero nung nagbuntis ako, naniwala nako. Sino ba kasing kakatok sa bintana na parang kinakaskas ang kuko sa 2am tapos ang lakas ng ulan, sa province namin yun at may curfew pa nun kailangan 9pm nasa loob at papatrol mga sundalo pag 10 pm. Tapos sa dami ng bintana sa bahay namin bat sa kwarto ko pa.
Magbasa paWala pong aswang. Wag niyo hong takutin ang sarili nyo o patulan ang imahinasyon nyo. Pag tuonan niyo ng Pansin yung Pagbabasa ng BIBLIA since quarantine naman marami pa po kayong matututunan. Mamuhay po tayong mas may TAKOT sa DIOS kesa kung ano ano. https://youtu.be/alr1uPneEjY
based on my experience yes its true. nung isang araw lang may nagaaway na pusa sa bubong then yung mga galabog kala mong tao, then kung san yung pwesto ko dun sila nagaaway at naggagalabugan, and last saktong 12am yun nangyare, wala pa naman akong kasama sa kwarto that time kase si hubby may work ng gabe.
Magbasa pahi sis cguro pusa lng tlaga un madami dn kc kamjng alagang pusa sa bahay at since nabuntis aq ang ingay nila sa bubong palage at nag aaway hehehe.. wag mo po takutin sarili mo kasi pag takot ka daw lalo kang tatakutin.. pray lng po tayo πππ
yes, nung buntis kapit bahay namin laging may ik ik tas sobrang laki ibon nakita namin 2 araw araw paikot ikot duon sa bahay tas nung daw ik ik nang ik ik nung gabi bigla bigla may nabukas nang binta nila kinabukasan daw nag sakitan na puson ayun nalaglag na yung baby nya
Yes, college pa lang ako non nandun ako sa bahay ng ate ng kaibigan ko kasama ko sya nass labas kami ng bahay siguro 10pm na yon buntis ate nia non natakot kami parehas narinig talaga namin ung lipad na malaking ibon tsaka ung tiktiktiktik pasok agad kami sa takot hahaha
Yes. Kakakwento lang ng mama ko sakin. Pinaglalagay nya ko ng walis tingting sa pinto ng kwarto dahil daw may aswang nung bandang 4am. Nakarinig na din ako dati ng buntis yung ate ko, paramg tiktik yata yun. Tapos ako, nung ako naman, nakakarinig din ako.
Think of it like this, even multo: Simula nung pinanganak ka, nakakita ka na ng aswang/multo? O kahit anong CLEAR proof na meron nga? Be brave, it's just the wild imagination of people.. Wala ngang aswang series sa Bible eh. Just saying.
Hindi ko alam kung totoo yan kasi so far maayos naman pakiramdam ko since nagbuntis ako. Pero para sigurado naron parati akong may bawang nakasabit sa may bintana naminπ .wala naman kasing mawawala if gawin ko yun for safety.
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-115098)
Nurturer of 1 energetic little heart throb