Walang nakaka-alam kung tama o mali ang pakikipaghiwalay mo. Pero bilib ako sa courage mo para makipaghiwalay. Marami ka na nakitang redflags, and i guess wala ka na din naman nakitang something pa para manatiling kasama sya. Yes oo, mahal mo pa siya for now, at siya ang ama ng anak mo. BUT, hindi ka na din naman niya nirerespeto bilang babae, bilang girlfriend/partner at bilang ina ng anak niya. Move forward na, wag ka na lumingon. Focus ka muna kay baby at sayo, ayusin mo muna ang sarili mo. Kung makakabalik ka sa poder ng parents mo, go. Surround yourself with people na mahal ka at kailangan mo ng matinding support system. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, same din ang magiging desisyon ko. Sayang ang buhay, di ko aaksayahin ang buhay ko na kasama ang taong di ako nirerespeto at ayaw naman akong kasama sa buhay din. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kanya. Sa ngayon, kailangan mong pakatatag para sa inyong mag-ina. Kumapit lang kay Lord, humingi ng guidance at protection. Tama nga ba ang ginawa mong desisyon? Para sakin, OO. Ayoko maexpose ang bata sa ganung klaseng ama/kapartner, lalo at babae ang anak ko. Financial support ang maari niyang ibahagi sakin.
Goodluck! At kayang-kaya mo yan π Plan for your future with the baby, move on na. Baka may ibang plano si Lord para sa inyo.
Magbasa pa