BREAK UP

Mga sis nakipaghiwalay ako sa partner ko and I'm already on my 37th week pregnancy.. Sabi nya ayaw nadin nya at sana final na daw gusto nadin nyang makipag hiwalay and he felt na hindi ako yung life partner nya.. Well I caught him cheating marami syang naging babae and after nun he still do what he wants. Also masakit sya magsalita na konting mali ko mumurahin nya ako at sasabihan ng bobo. Mahal na mahal ko sya at natatakot akong mag isa para sa anak namin.. Tama bang nakipag hiwalay ako?

189 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes. Super proud ako sa mga kagaya mo na nagkaroon ng lakas ng loob magdesisyon na mag-let go kahit mahal mo pa ang tao. Respeto sa sarili ang unahin 👍 dahil hindi niya kayang ibigay din ito sayo. At dahil nagawa mo na ang unang hakbang ng pagbabago sa buhay niyong mag-ina. Ang susunod naman ay para sa bata, humingi ka ng sustento para sa baby. Karapatan ito ni baby, at obligasyon niya ito bilang magulang. Nasa batas ito. Kung kinakailangang may mamagitang "lawyers" sa inyo, go. Para legal ang lahat at walang away pagdating sa "amount" at schedule. Goodluck! Take care mommy!

Magbasa pa