Sis sa totoo lang masarap marinig na sinusuportahan ng mga tao sa paligid mo ang decision mo makipaghiwalay. Pero sa totoo buhay, mahirap magpalaki ng anak ng magisa. Hindi lang problema mo sa ngayon ang kailangan mo solution. Manganganak ka, palalakihin mo sya, magaaral sya... Hindi mo mabibilang ang problema pang haharapin mo. Kung napaka petty lang naman ng pinagawayan nyo, ikaw na ang magpakumbaba. You need your partner! Mahal mo sya di ba? So why give up now? Gusto mo ba na lumaki ang anak mo ng wasak ang pamilya? Dumaan ako sa kinalalagyan mo. Nagsisisi ako bakit ko hiniwalayan ang asawa ko. Kase sarili ko lang inisip ko. Hindi ko inisip 2 kong anak. Sana nagtiis nalang ako. Kaya ngayon pasan ko lahat. Masarap makarinig na, "kaya mo yan girl!", "you deserve better!" pero ano ako ngayon? Nganga! Kayod marino sa mga anak ko. Solo ko sila binubuhay. Samantala ang ama nila pasarap sa buhay. Opinion ko lang to.. May mood swings talaga ang buntis. Take it lightly. Tandaan mo, minahal mo ang partner mo kung ano sya, at kung ano man nakaraan nya. Show him that he will not look or ask for more, coz you are perfect. Good luck!
Magbasa pa