pera

mga sis and mommies,if my utang syo ang nanay mo,sisingilin mo b cya lalo n ngayong kailangan mo ng pera para sa gatas at diaper ng baby mo? hindi b nkkhiya nmn un?

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ahmmm. never ko siningil si mother ko kc hehe..in fact ung brother ko pag may utang sakin, ung bayad nya sa nanay ko pinabibigay lagi, kako bigay mo kay mother para maipambili nya ng vitamins and fruits sa kapatid ko din madalas wala ng bayaran hehe..namihasa na hahaha..pero wla nmn sakin kc pinaka tulong ko na kanya at sa mga pamangkin ko. naniniwala kasi ako sa kasabihan na mas maganda na ikaw nagbibigay kaysa binibigyan🙂 pero in your case momshie if nung nanghiram si mom mo sayo, if sinabi nya na babayaran nya sa ganitong araw or date, maybe you can remind her about it lalo na if para sa baby mo nmn at kung need mo tlga at kung tingin mo is may extra money si mom mo.

Magbasa pa

Para sa akin po, hindi. Happy ako ngayun na ako na sumasagot ng mga gastusin namin sa bahay, including mga kailangan ni mama. Kasi nakikitira lang kami ni mister wala kami balak mag sariling bahay ksi only child ako at mag isa nalang c mama sa bahay. Kaya simula nung nagka trabaho ako at mag asawa. Masaya ako na binibigay ko lahat ng needs ng mama ko. Pag nghihhiram siya, d ko na tinatanggap ang bayad niya. Wala yan sa lahat ng sakripisyu nya para sa akin.

Magbasa pa

para sakin hindi na dapat eyhhh kasi nanay moyan baka gusto lng nya manghingi pero mahiya lng cya kasi may oamilya kana din... pero dapat lng sating kahit may pamilya na tayo dapat magbigay din tayo sakanila na walang kapalit... gaya nang pagpapalaki nila satin..

VIP Member

Hmm, parang hindi kasi sya dapat considered utang..siguro kung need mo pera sabihin mo na lang baka meron sya naitatabi ngayon kasi kailangan mo in a good way, In that way baka maalala nya na may na hiram pala sya sayo.

wag mo ituring na utang yun sayo ng nanay mo.tulong mo nlng sa kanya yun.kung sakali naman ikaw mangailangan, pwede mo naman sya lapitan. kung nakikita mo wala din sya, pwde ka nlng humingi ng tulong sa iba.

Kung gipit din si mother, siguro hayaan mo na. Hanap nalang ng ibang way to earn money. Pero kung hindi naman, kausapin at iexplain mo nalang ng maayos, for sure maiintndihan ka naman ni Mother mo nun.

Wag mo na singilin mommy. Kung sa tingin mo may pambayad nman si Mother mo eh, humingi ka nlang ng tulong pambili ng milk and diapers. Pero wag mo xa sisingilin. Alam nman ng nanay mo yun.

kung ako po... d na. kc pag naman kami yung nangangailangan dyan c mother para tumulong kahit hindi sa financial. yung bantayan nya yung apo nya while im doing my house chores. ok na 😊

sakin hndi ko na sinisingil kasi pag wala pa kong pera sya nmn bumibili ii. nag aabot nalang ako pag sahod. minsan ang dami nya pang binili na toys & kung anong makita nya ii .

For me hindi ko sisingilin, nakakahiya din. But I suggest sa kanya ka magpabili nung gatas/diaper worth nung nautang niya sayo to compensate sa hindi pa nababayarang utang.