online games

Hi mga sis. Maglalabas lang ako ng sama ng loob. Mahilig ba sa laro mga asawa nyo? Online games ganon? Like Mobile legends at COC. Umaabot ba sa punto na naadik na sya? Yung di bale nang mapag awayan nyo yung bagay na yun basta maglalaro lang sya? Feeling ko kasi wala na syang oras samin ng panganay namin. Buntis pa ko 14 weeks ngayon. Kahit yung mga gusto kong pagkain na ipapabili ko sa labas sasabihin nya bumili ako? Ako daw bumili mag isa. Minsan natutulala nalang ako. Naiiyak ganon. Hay. Sobra akong nalulungkot. Parang wala akong kasama. Parang wala naman akong asawa sa lagay ko na to. Parang di nya ko nakikita. :(

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello momsh.. Gamer din po asawa ko noon pero nagbago na po siya. Praise God dahil nakilala niya ang Panginoon.. May na share po dati and relationship matters ph sa fb about sa gamer na asawa.. Sabi po nila minsan daw po hindi naten nafufulfill mga emotional needs nila kaya ganyan sila and hanapin daw po root cause kung bakit gusto niya lagi maglaro.. Pag usapan niyo po ito ng mabuti and mabuti din po kung mag pacounsel po kayo sa pinagdadaanan niyo samga couples na close po sa inyo.. God bless and stay safe momsh..

Magbasa pa