Aayos kaya yung pwesto ng Placenta ko?

Mga sis last october 30, 2019 nagkaroon ako ng 1st ultrasound at Trans V (15 weeks si baby ko nun) tapos sabi ng Doctor yung placenta ko daw ay nakaharang sa labasan ng baby mababaw daw ang inunan ko nakalagay kase dun sa ultrasound ko na ("Totally Covering The Internal Cervical OS, with its Leading Edge Overlapping The Internal Cervical OS by 1.22 cm") at kapag hindi yun tumaas mae-emergency CS ako nun di daw ako pwede maglabor nun kapag di tumaas ang placenta ko. Any suggestion or recommendation? kung paano aayos ang placenta ko mga sis? Recommended ba ang pagpapahilot? Help me please ?

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Totoo naman talaga na pwede ka ma CS pag di sya tumaas. Pero sana naging positive muna yung doctor na mahahatak pa yan ng baby mo pataas since early pregnancy palang naman. Naging mababa rin ang placenta ko at around 10 - 12 weeks di ko na matandaan pero sabi lang sakin ng ob ko, "mahahatak pa nya yan" which is totoo nga after 2 weeks nahatak na nga ni baby agad. Hoping na tumaas na yung sayo ngayon since 2mos naman na ang nakakalipas.

Magbasa pa

Same condition mam 10 weeks ng mlamn kong low placenta ko. . pinagtake ako duphaston ni ob ko twice a day for 2 months . Awa ng dyos naging ok khit mahal ang gamot . Basta masave si baby . Now 36 weeks na nkpwesto n ng maaus si baby 🥰🥰🥰 pray lng tas kausapin mo si baby🥰🥰

VIP Member

Try mu sis mag lagay ng unan banda sa balakang then angat mu 2 paa mu.effective po yan kc aq placenta partialis aq nung una.taz yan yung sinabi ni ob q na gawin q.kaya sa awa ng dyos high lying placenta na q.

5y ago

Ginawa ko sis effective nga

15weeks low lying placenta ako pero nung nagpaultrasound ako nung monday high lying na sya. Tataas pa yan

VIP Member

Iikot pa po yan. Ganyan din ako nung 12 weeks. Wala naman ako ginawa. Nagtatrabaho pa nga ko e.

I am 22-week pregnant and still low lying placenta pa ko. Praying na sana tumaas pa. ❤️

Hi sis, lagyan mo ng unan ang pwetan mo habang nkhiga effective po yun. Saka bedrest dn po

Tataas pa yan mommy. Sakin ganyan din noon. Pray ka lang po 😊

Tataas pa yan sis habang nalaki si baby. Tiwala lang. 🤗

VIP Member

Kung magaling mghilot at trusted try mu ipahilot sis