Freelance WFH

Hi mga mumsh, turning 28 weeks na ko bukas. Itatanong ko lang kung may mali ba sa ginawa ko? Nag apply kasi ako ng WFH na wala akong idea kung ano sya. Nung pagka brief sakin abt sa work, sinabi ko agad sa mister ko "dating app manager pala ung inooffer. Magchachat lang kami with several clients na hindi magpapakita ng mukha or any vids, and if may sexual content, pwede namin ireport." Sinabi ko ung perks and benefits na hawak ko oras ko basta in one day, kailangan maka 4hrs minimum ako, and good pay kasi sya even though 4hrs lang trabahuin ko. Ang sabi sakin ng mister ko "ba't ka kailangan mo lagi itanong sakin mga ganyang bagay? Wala ka bang sariling isip?" Ang sagot ko "sinasabi ko sayo kasi baka pag nag work ako dito, sabihin mong sa kanila ang sweet ko" kasi nga po dating app sya. Inexplain ko rin na kailangan ko ng inputs nya kung papayagan nya ko magwork sa ganyan kasi para to sa pamilya namin, kung ayaw nya, di ko naman ipilit na mag work dyan. Sabi ko, desisyon to na kailangan ng approval nya. Tapos dahil dyan sa freelance work na yan, nagdecide mister ko na hiwalayan kami. Tama po bang ipinaalam ko sa kanya ung magiging nature of work ko kahit hndi naman sya ung magwowork? Tinurn down ko na ung offer pero di na ko kinakausap ng mister ko, tinatry ko syang tawagan pero dinedecline nya na and siniseen nya na lang mga msgs ko. Magkahiwalay po pala kami ngayon, andito ko sa parents ko kasi nasstress ako dun sa lugar namin simula nung nagbuntis ako kaya we communicate via chat or video calls. Pa advice naman mga mumsh. Di na ko nakatulog ng maayos dahil dyan kagabi e.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

He already made his decision even long before u seek his approval about your supposed freelance work. In short, bet kn tlg nya hiwalayan, ginamit nya lang yan freelance work issue mo para kumalas. Hay lalake tlg npakupal.. Imagine ha,kung may compassion syang tao mas mtutuwa sya kase hinihingi mo opinyon nya bgo magdesisyon.. pero anong sabe sau? wla kdaw ba isip? luh! kung ganyan lang din magiging partner mo sa buhay, mag autopass kana! Kupal sya kamo.. Kunware lang yan, asa isip nya n tlg hiwalayan k..pinapalake lng nya issue para magmukang ikaw pa may kasalanan. Jusko mami, be strong..ihanda mo sarili mo sa paparating na challenge kahit wla p sya sa buhay nyo.

Magbasa pa
3y ago

Dont worry mami, sa umpisa lang mahirap kase vulnerable kp ngaun dahil buntis kp..mdame pang emotion ang mraramdaman mo.. pero maniwala ka once mkabangon k sa challenge n to.. at nkbalik k sa work at kumita k ng pera.. for sure di mo n iisipin pa..pag naaalala mo sya mtatawa k nlng at iisipin mo, ano sya GOLD! hahaha BE STRONG!! pray silently!!! masakit tlaga yan sa umpisa! believe me.. you are stronger than u think!!!! LABAN, mami! 😊😊😊