Freelance WFH

Hi mga mumsh, turning 28 weeks na ko bukas. Itatanong ko lang kung may mali ba sa ginawa ko? Nag apply kasi ako ng WFH na wala akong idea kung ano sya. Nung pagka brief sakin abt sa work, sinabi ko agad sa mister ko "dating app manager pala ung inooffer. Magchachat lang kami with several clients na hindi magpapakita ng mukha or any vids, and if may sexual content, pwede namin ireport." Sinabi ko ung perks and benefits na hawak ko oras ko basta in one day, kailangan maka 4hrs minimum ako, and good pay kasi sya even though 4hrs lang trabahuin ko. Ang sabi sakin ng mister ko "ba't ka kailangan mo lagi itanong sakin mga ganyang bagay? Wala ka bang sariling isip?" Ang sagot ko "sinasabi ko sayo kasi baka pag nag work ako dito, sabihin mong sa kanila ang sweet ko" kasi nga po dating app sya. Inexplain ko rin na kailangan ko ng inputs nya kung papayagan nya ko magwork sa ganyan kasi para to sa pamilya namin, kung ayaw nya, di ko naman ipilit na mag work dyan. Sabi ko, desisyon to na kailangan ng approval nya. Tapos dahil dyan sa freelance work na yan, nagdecide mister ko na hiwalayan kami. Tama po bang ipinaalam ko sa kanya ung magiging nature of work ko kahit hndi naman sya ung magwowork? Tinurn down ko na ung offer pero di na ko kinakausap ng mister ko, tinatry ko syang tawagan pero dinedecline nya na and siniseen nya na lang mga msgs ko. Magkahiwalay po pala kami ngayon, andito ko sa parents ko kasi nasstress ako dun sa lugar namin simula nung nagbuntis ako kaya we communicate via chat or video calls. Pa advice naman mga mumsh. Di na ko nakatulog ng maayos dahil dyan kagabi e.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

para sakin wala naman mali sa ginawa mu. shempre kailangan mu rin ng say nya jan lalo dating app pala yan. tama lng ginawa mu na ipaalam sa kanya. mali lng ung way ng response nya sayo. baka may problema din mister mu, usap muna kayo

3y ago

hindi ko rin po alam if may problema sya e, hindi nya na kasi talaga ko nirereplyan o sinasagot sa mga tawag ko 🥺

Mali yung guy. Kc dpat lang na sbhan mo siya pra aware xa sa nangyayare sayo. He took it very diffenrently. Wag ka pastress and pabayaan mo muna xa.

away yan mamsh. ayaw ng mister mo yung nature of work mo. mdae naman work from home setup na part time. :)

Magbasa pa

Kung ganyang klase ng lalake ang magiging asawa at tatay ng anak mo mami, wag mo nalang balikan.

Ginawa nya lang dahilan yon, matagal na sya nakapag decide.

pano po mag apply at anong requirements?

3y ago

sa hr-employer.com ako mumsh nag apply. pero kung di po kayo sanay sa freelancing, tatamarin po kayo lalo sa umpisa kasi kailangan nyo po makakuha ng replies sa bawat kliyente para mabayaran kayo. ang payment nila, 1 reply = 1 coin = $1, tapos every 10 replies, may additional kang $1 . tiyagaan po sa umpisa yan mumsh dahil sa umpisa, madalang ka makakakuha ng replies. dapat po kasi nagugustuhan ng kliyente mo ung chats mo para mabayaran ka. maeengganyo ka sa laki ng pwed mong kitain pero mahirap po lalo sa umpisa.