Freelance WFH

Hi mga mumsh, turning 28 weeks na ko bukas. Itatanong ko lang kung may mali ba sa ginawa ko? Nag apply kasi ako ng WFH na wala akong idea kung ano sya. Nung pagka brief sakin abt sa work, sinabi ko agad sa mister ko "dating app manager pala ung inooffer. Magchachat lang kami with several clients na hindi magpapakita ng mukha or any vids, and if may sexual content, pwede namin ireport." Sinabi ko ung perks and benefits na hawak ko oras ko basta in one day, kailangan maka 4hrs minimum ako, and good pay kasi sya even though 4hrs lang trabahuin ko. Ang sabi sakin ng mister ko "ba't ka kailangan mo lagi itanong sakin mga ganyang bagay? Wala ka bang sariling isip?" Ang sagot ko "sinasabi ko sayo kasi baka pag nag work ako dito, sabihin mong sa kanila ang sweet ko" kasi nga po dating app sya. Inexplain ko rin na kailangan ko ng inputs nya kung papayagan nya ko magwork sa ganyan kasi para to sa pamilya namin, kung ayaw nya, di ko naman ipilit na mag work dyan. Sabi ko, desisyon to na kailangan ng approval nya. Tapos dahil dyan sa freelance work na yan, nagdecide mister ko na hiwalayan kami. Tama po bang ipinaalam ko sa kanya ung magiging nature of work ko kahit hndi naman sya ung magwowork? Tinurn down ko na ung offer pero di na ko kinakausap ng mister ko, tinatry ko syang tawagan pero dinedecline nya na and siniseen nya na lang mga msgs ko. Magkahiwalay po pala kami ngayon, andito ko sa parents ko kasi nasstress ako dun sa lugar namin simula nung nagbuntis ako kaya we communicate via chat or video calls. Pa advice naman mga mumsh. Di na ko nakatulog ng maayos dahil dyan kagabi e.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

First of all, since mag asawa kayo, di ba normal lang na hingin mo yung opinion ng partner mo bago ka mag desisyon bilang respeto sakaniya? Kung ganiyan ang reaction niya sa pag hingi mo ng opinion niya ibig sabihin niyan wala siyang pakielam sayo. Red flag yun mamsh. Walk away na agad. Do not reach out. Hayaan mo siya. Mas okay pa na mag isa mong buhayin ang anak mo kesa lumaki siya ng may tatay nga pero toxic naman. Nung dalaga pa ako laging sinasabi sakin ng Tatay ko na pag hindi maganda ang trato ng mapapangasawa ko sakin, layasan ko daw. Lagi ko daw itatak sa utak ko na kaya kong buhayin ang sarili ko at anak ko ng di umaasa sa lalaki. Dinadala ko yun hanggang ngayon at sinabi ko din yun sa asawa ko bilang warning. Nanay tayo, mas matatag tayo kase may anak tayong nagiging inspirasyon natin. Laban lang Mii. Kaya mo yan.

Magbasa pa

He already made his decision even long before u seek his approval about your supposed freelance work. In short, bet kn tlg nya hiwalayan, ginamit nya lang yan freelance work issue mo para kumalas. Hay lalake tlg npakupal.. Imagine ha,kung may compassion syang tao mas mtutuwa sya kase hinihingi mo opinyon nya bgo magdesisyon.. pero anong sabe sau? wla kdaw ba isip? luh! kung ganyan lang din magiging partner mo sa buhay, mag autopass kana! Kupal sya kamo.. Kunware lang yan, asa isip nya n tlg hiwalayan k..pinapalake lng nya issue para magmukang ikaw pa may kasalanan. Jusko mami, be strong..ihanda mo sarili mo sa paparating na challenge kahit wla p sya sa buhay nyo.

Magbasa pa
3y ago

Dont worry mami, sa umpisa lang mahirap kase vulnerable kp ngaun dahil buntis kp..mdame pang emotion ang mraramdaman mo.. pero maniwala ka once mkabangon k sa challenge n to.. at nkbalik k sa work at kumita k ng pera.. for sure di mo n iisipin pa..pag naaalala mo sya mtatawa k nlng at iisipin mo, ano sya GOLD! hahaha BE STRONG!! pray silently!!! masakit tlaga yan sa umpisa! believe me.. you are stronger than u think!!!! LABAN, mami! 😊😊😊

ilang taon na ko as a freelancer. based on my experience, yang sa dating app na yan need mabgyan ka ng stars or bayadan nila oras mo pag nagustuhan nila performance mo o paglandi mo sknla. ung oras mo nga kasi babayadan nila. may limit kasi pagkausap mo sknla, eh pag mag enjoy sila sayo, need nila magpurchase o bayadan ung oras mo nga. kng maghahanap ka ng online na work, sa legit ka. kng papasok ka agad sa onlinejobs.ph ng walang knowledge, scam ang bagsak mo. payo ko sayo at sa mga gusto mag wfh or mag freelancer eh mag aral muna kayo about sa papasukin niyo hindi basta basta ang pagiging freelancer. madami na nagtuturo ng libre sa youtube. hindi to easy money, pinaghihirqpan at pinag aaralan. hindi basta basta.

Magbasa pa
3y ago

iba language ng mga lalaki. "wala ka bang sarilimg isip" ang sabi ng asawa mo. may asawa kna bat papasok kpa jan. mgkakaanak kna bat papasok kpa jan. in short. common sense naman. ang daming pwedeng work sa online bakit ganyang klase pa. respeto naman sa asawa mo.

mas kilala mo dapat yang asawa mo. kng sya ung tipo ng lalaki na di marunong magexpress ng sarili or mag explain na kapag nainis eh pabalang sumagot, bastos kng pakinggan, ganyan talaga sasabhn sayo. dating app papasukin mo, eh kng uminit agad ulo nya ng marinig yon, malamang mabibwiset yon. ang lalaki sinasala lang ng tenga nila ung phrases na naririnig sating mga babae (gaya nung word na dating app) so for sure iba ang dating sknya. panget lng na may hiwalayan pang nangyare. pero kng kilala mo asawa mong hndi ganyan makipagusap don ka na talaga magtaka at kabahan.

Magbasa pa

onlinejobs.ph ba yan mi? ng apply din ako jan di ako pinayagan ng mister ko kase nga possible na mejo bastos na ang topic dhl dating site sya.May nagsasabe na goods nga daw bayad jan. Okay lang naman na sinabe mo sa mister mo ung mggng nature of work mo para alam nya, wala pong mali na sinabe mo sa knya ang mali ung di ka na nya kausapin. Kung ayaw nya pala sa nature ng work mo dpt nung una palanh sinabe nya hindi ung ssbhn ka nia na wala ka bang sariling pag iisip. Very wrong sya don. Gusto mo lang naman kumita ng pera in a goodway e.

Magbasa pa
3y ago

isa lng ibg sabhn nyan mamsh d kana nya mahal. Kasi wala na syang pkialam sau at isa pa alam n nyang buntis ka ito ung panahon na mas kelangn natin sila sa tabi natin tpoa ngaun pa sya mawawala. Siguro yan lang ginawa nyang dahilan yung work mo para mahiwalayan ka nya. Si baby nalang muna isipin mo hayaan mo na yung lalake na yon. Mahirap po pilitin ang ayaw. Bka sa huli magsisi ka din

VIP Member

Hi Mi, hindi mali yung ginawa mo. Tama po yon na mag seek ka muna ng approval nya. Kasi yung work na yan eh kalaunan pag aawayan nyo pag hindi mo sinabi sakanya. Pero sa tingin ko naghanap lang sya ng dahilan para hiwalayan ka ng tuluyan. Sorry to say pero feeling ko matagal nya ng desisyon yan. Di lang nya alam kung pano sasabihin sayo na hindi sya yung mag mumukang masama. Mag palakas ka Mommy para kay Baby. Sending love and hugs to both of youu. ❤️❤️

Magbasa pa
TapFluencer

feeling ko naghanap lang sya ng butas para hiwalayan ka. kase sobrang babaw ng reason. he can easily tell you not to push through with the job kesa ganyan na may pa "bat kelangan itanong sakin? wala ka bang sariling pag iisip". e pwede naman nyang sabihin na "ayoko. wag mo ituloy. maraming trabaho dyan". as basic as that. nag explain ja naman na and you turned it down, but still, hiniwalayan ka. so, obviously may iba syang reason for leaving you.

Magbasa pa

para saken mumsh wla pong masama sa ginawa mo dahil hinihingi mo lang namn ung opinion ng asawa mo kung papayag ba siya sa inapplyan mo. masyadong mababaw ang dahilan niya para makipag hiwalay siya ng ganun ganon lang. Sna mas inisip niya ung pagbubuntis mo. Mas ok pa sana kung binigyan ka niya ng advice about s papasukin mo hindi ung ganyan ka niya itrato. better mag focus ka na lng sa baby mo. wag mo stressin sarili mo. mag pray ka always

Magbasa pa
3y ago

parang ang hirap po kasi na bumuo kami ng pangarap para sa pamilya namin tapos dinagdagan ko lang, ang ending di po pala nmin sya kasama. dun po ko nalulungkot e. di ko naman po pinipilit n magwork ako, ang akin lang, makatulong na makaipon. di ko naman po expect na gusto nya na makipaghiwalay sakin kasi wala din naman po syang pinapakitang clues or something po.

I think momsh ginawa nia lang rason yung work mo para hiwalayan ka baka naisip na niang gawen talaga bago kapa naghanap ng work. Blessing in disguise yan mommy at least ang iisipin mo na lang si baby saka pagmove on. 🥺 I'm sure kapag nasanay ka nang wala sia di kana malulungkot everyday kakaisip baket ganun mister mo.

Magbasa pa

Ginawa lang nyang dahilan yang paghingi mo ng approval sa online work mo pero for sure long before na nya gusto makipaghiwalay. Napaka babaw na dahilan nya pra hiwalayan ka ng ganung issue lang, to think na dapat mas matuwa sya kasi kahit preggy ka naiisip mo na magwork kahit WFH.