Share ko lang birth story namin ni baby. 😊

Hi mga mumsh. Nakakatuwa kasi nung July 8, around 11pm ata yun. Nagpost pa ako ng question dito regarding sa kung mucous plug ba yung lumabas sa 'kin after ko mag-squats and pee. Tapos, di na ako nakatulog nun parang balisa ako na ewan kasi sumasakit din yung puson ko tas si baby galaw nang galaw. Then, July 9 around 5:55am, nakahiga lang ako, matutulog na sana biglang may narinig ako nag-pop, pagkapa ko sa underwear ko ayun na pala pumutok na yung water bag ko. Gusto kong mataranta pero sabi ko chill lang. Ginising ko si hubby, buti na lang may taxi agad na nakuha. Nakarating kami sa private clinic ni OB, mga 6:20am, buti na lang talaga walang traffic. Kinakabahan na rin ako nun kasi baka maubos yung water ni baby. Pagdating namin sa clinic, 1cm pa lang daw ako. Need ko pa mag labor pero nakahiga lang ako. Around 11am, nag-4-5cm na ako. Sobrang sakit na nun, umiiyak na ako. Then, mga 2pm nag decide na si OB na ipasok ako sa DR, pagka-IE sa'kin, 7-8cm na. Tapos, mga 2:30pm nag dilate na sa 10cm. Na-late pa yung effect nung painless keme sa 'kin kaya ramdam na ramdam ko yung paghiwa ni Doc. Mga 3:10pm ko raw nailabas si baby, di ko alam kung pa'no kasi super groggy na ako. Nagising ako 6:30pm na pero nasa DR pa rin ako dahil di pa raw ako pwede ilabas kasi hilo pa raw. Nakita ko si baby buhat nung assistant na midwife, tinanong ko kung baby ko ba yun. Nakakaiyak. Nailabas ko si baby ng safe at normal delivery. EDD: July 12, 2020 DOB: July 9, 2020 Weight: 3.18kg Height: 50cm

32 Replies

Hi sis. See, sabi mo sana ikaw din, ayan na, nailabas mo na pala si little one mo. Congrats sayo :)

Narinig ako ni baby. 😊 Kaya pala super likot na niya after nung nag post ako. Thank you! ♥️

Super Mum

Sarap sa feeling makita si baby after 9 months ❤️ congratulations po 🙂

Hugs mamsh! Congrats at thanks God for your safe delivery! 😀❤

Congrats mamsh 😊🌹🌼🌹happy for you.GodBless!

congrattsss mamsshhh!! napaka cutee naman ni babyy

Congrats po mommy🤗 sana makaraos na din ako 😇

Pray ka lang po and kausapin mo si baby mo. 😊

VIP Member

hi baby 😊😊😊 congrats po mommy

Super Mum

Congratulations, mommy. Hello baby. :)

You made it momsh! Congratsss ❤😊

Congrats mamsh! ❤️❤️❤️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles