Sharing my experience, medyo mahaba #FTM

Aug. 2 check up ko, close cervix then mataas pa si baby chaka medyo alanganin pa yung cervix sa taas pero sa baba okay naman na. Pinag take nako ng primrose Aug 7. Okay naman na yung cervix ko, 1-2cm na din nun, pero pwede pa daw i dilate sabi ni ob kaso di nya ginawa kase wala pakong nararamdaman na signs of labor though (kirot or tikal lang sa puson) Aug. 14 maaga ako natulog, then mga around 11:28pm yata yun, bigla nalang parang basa yung panty ko (biglang nagising then nawiwi) i was looking at my undies, parang dugo pero di ganun red. Tapos pagka tayo ko yung wiwi ko parang may kasama ng dugo.. nabigla ako, sinabi ko kay hubby. Then tinext agad si ob, na ganun nga what happened. Tapos to make sure, na parang pumutok na panubigan ko nag palit ako ng panty then monitor. Ayun nga, 3x wiwi na may dugo na may sipon din (bloody show) monitor lang, puson lang talaga sumasakit sakin, di balakang chaka tyan pero naninigas naman tyan ko then sumasakit yung tyan ko. Tinext namen mil, then pumunta sya agad sa bahay. (Ganun padin monitoring sa sakit interval lang) hanggang sa sabi ng ob ko na punta ng hospital, para dun nalang na monitor. Mga around 1:30am sa hospital na, confirmed na pumutok na panubigan ko then 2-3cm palang ako. Monitor padin, nag tataka yung nurse kung di daw ba cord coil although okay naman yung hb pero mababa. (Wala namention sa ultrasound e lately nagpa ultrasound ako) inhale thru nose, then exhale sa bibig. Ganun medyo na lelessen yung sakit. (Ganun din turo ng mga nurses na blow blow lang) 640am napansin ko naging close yung interval 2mns chaka lalong sumakit. Sinabi ko, then ie 4cm nako. Then so 7am nag papalitan na mga nurses. Nagtanong yung nurse kung masakit, sabi ko naman oo (blow lang ng blow then ie 8cm agad) tas sabi ko ate bat parang natatae ako. (Parang bigla nag aya dumayas) then tinawagan na ob ko tapos bigla may pumutok lumabas yung tubig. Hanggang sa nilinisan nako, medyo mataas pa si baby. Hingang malalim, then iri talaga na parang tae. Iniisip ko talaga parang tae na matigas na matigas, iiri hanggang 10 seconds then pag babawi wag bibiglain, dahan dahan lang. Interval padin yung hilab, tas 7:41 na yun iri na naman nakikita na si baby. Tas naalala ko lang pinaka iri ko talaga then naalala ko lang yung 7:48am sa oras yun na! Lumabas na si baby. ? Yung nasabi ko lang nun sa isip ko, "Thank you so much Lord" Shout out sa mga first time mom! Kung mang hihina yung loob mo, walang mangyayari sayo! Lakasan lang ang loob. Laging isipin na ito na yun, umpisa palang tong sakit na to may sasakit pa dito (labor) Makinig lang sa ob, nurses kase alam nila yung dapat gawin. Keep fighting, pray lagi! Ps. 19yrs old, fighting! 4days old na si baby named Aquilla Valencia Sacred heart medical center angeles city pampanga Gusto ko ng umiyak nun, kaso di ko ginawa. Kase alam nyo yun? Yung wala kang magawa kundi tanggapin yung sakit na nararamdaman mo (labor) ? pero lakas lang ng loob, chaka si God? Cord coil pa si baby, nung nilabas dun lang nakita. Sa 9mos na dinadala, almost 6mos walang maayos na tulog, 8hrs labor at sakit tapos pagka labas minsan lang kamukha ng Daddy nya? (buti nalang nakuha nya yung matangos kong ilong) Yun lang po. Thank you!! ?

Sharing my experience, medyo mahaba #FTM
86 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

napalakas mo loob ko ate! huhu I’m 18 yrs old and currently 37 weeks na preggy. nananakit na balakang and puson ko tas parang natatae pero wala pa namang bloody show. kinakabahan ako lately eh. thank u so much for sharing this! Congratulations po 🥰

6y ago

Pray lang sis, si God lang chaka ikaw chaka si baby lang yung lalaban dito. Kung pang hihinahaan ka ng loob pano na si baby? Hehe. Laban lang sis!! Kaya mo yan!! Praying for fast and safe delivery sayo sis!! Fighting!! 🙏🙏🙏🙏

Thankyou for sharing your experience sis. Nakaka gaan ng loob. 24 due date ko. Pero wala pa din ako nararamdaman na symptoms. Hehe. Congratulations sis! ❣❣

6y ago

@mona suene Onga sis. Sobrang nakakainip pero pag ready na siguro si baby. Ilang araw na lang din naman hehe.

VIP Member

Congrats! Helpful to sis! Malapit na kasi ako maglabor e. And hindi ko alam ang feeling kasi 1st time mom din ako. But im glad na nabasa ko to! 💕💕😘

6y ago

Tapangan mo sis! Good luck po, God bless

Thank you for your inspiring story momshie! First time mom din ako and due date ko on November. Nakakaexcite na nakakakaba. Congrats!!!

6y ago

Hehe mawawala din po yang kaba mo, lqkas ng loob yung kapalit. Pray po lagi God bless

Congrats sis! Nakapag unang yakap kaba sa sacred heart & nagbreastfeed ka ba kaagad? ☺️ Planning to give birth din sana dun...

6y ago

Di man sis e, kase bigla nalang akong nawalan ng malay. Pero pagka gising ko agad pinakita sakin si baby then pinicture pako ng mga nurse (kase nasakin cp ko nun) yung about sa breast feeding naman, hindi din sis, kase papa piliin ka if isasama mo kagad si baby sayo if nagka sipon or what i coconfine, so pina nicu muna namen sya para safe. Although pagka gabi nun, visit agad ng doctor sabi nya mag linis muna pinabili ng betadine fem wash, then nag hilamos. Tas yun nag request sa nicu na visit. (Yan yung unang pic nya saken na visit sa nicu, na pina dede ko kahit nahihirapan sya) pero at all sis? Maganda manganak dun, napaka bait ng mga nurse, tuturuaan ka talaga.

Congratulations momsh! First time mom dn po ako excited na po na kinakabahan pero kakayanin 💕 para kay baby hehe fighting!

6y ago

Fighting po!! Be ready, God bless!

Yiee kuddos. Sacred heart din ako nanganak noong july 22 magaling tlaga mga nurses/ob jan. CONGRATULATIONS 💕

same tayo sis pumutok n pnubigan ko walang labor. pero pag titigas masakit pero na cs ako ..

VIP Member

Congrats sis!! Kinakabahan ako kabuwanan ko na by september!! ❤️❤️

VIP Member

Sino OB mo mamsh? Jan din ako nanganak nung aug 18, emergency cs ako :)

6y ago

Si dr, Sharon Guinto po. Aug 16 ako nanganak sis, 17 nakami nakalabas