First Bakuna
Hi mga mumsh. First bakuna po ni baby bukas. Any idea po kung ano ang dapat gawin sa magiging reaction after bakuna. Thanks ?

painumin mo ng Paracetamol drops bago pabakunahan. and make sure nakaligo na siya bago ma inject. after ma-inject, usually makakatulog sila paguwi. check mo temperature. at dahil mainit ngayon ang panahon, punasan palagi ng basang bimpo. kapag sinat lang, every 6hrs. take ng meds. kapag lagnat, every 4hrs. na. expect 'din na maninigas ang pinagturukan. bawal mabasa ng tubig or kahit ano ang nainjectan na legs. warm compress mo, kung gusto mo. pero sa baby ko, hinahayaan ko lang. kusa naman kasi humuhupa. at pinaka pinaka pinaka expectation is 'yung pag iyak niya ng pag iyak at iritable. pero okay lang 'yan. kinabukasan oks na siya niyan.
Magbasa pa

