16 Replies
Same lang naman ang effect ng vaccine sa pedia and health center. The only difference is libre sa center while may bayad sa pedia. Even my LO’s pedia, she advised us na maghealth center nalang dun sa mga vaccines na available sa center kasi daw same lang naman un. Lagnat is actually a good sign after immunization kasi it means na nagpoproduce ng antibodies si baby dun sa ininject sa kaniya. And sa totoo lang, ung iba ng gusto sa pedia lahat ng vaccine eh para sosyal ang effect. peace! ✌🏼✌🏼✌🏼 Take advantage of the taxes you are paying for. Be practical. Registered nurse here! ✌🏼
yung ngsasabing mas effective vaccine sa pedia kc hindi nakakalagnat, may scientific explanation po ba un? Kasi kahit pedia ng anak ko inaAdvise kmi kunin nmin sa center mga free vaccines, punta lang kmi sa knya pag my sakit si baby or mgAvail kmi ng wala sa center, kasi SAME lang po un.. At si mommy ngtatanong, mas prefer mo nman pla sa pedia bkit kpa po ngtatanong? sa lahat ngcomment k na mas safe sa pedia at mas effective dun, para san pa kinontra mo nmn pla advise sayo...hayyy
Safe at same naman ang vaccine kahit magkaiba ng brand. Kaya nagwoworry hubby mo e dahil sa nangyari sa dengvaxia. At kaya nagkameasles outbreak e dahil kasalanan ng mga magulang di pinabakunahan ang mga anak dahil din sa nangyare sa dengvaxia. May pagkakamali nga sila don sa dengvaxia pero wag nyong idamay ang libreng immunization kc ilang taon na nilang ginagamit yan tested at proven na safe. Pero nasa sa inyo yan kung may pera kayo sa pedia kayo magpa immunize.
simple lang yan, kung afford mo mgbayad sa Pedia ka, kung praktikal ka, pumila ka sa health center, ganun lang. Afford din nmin mgbayad sa pedia kht asawa ko dun gsto kunin lahat ng vaccine pero ako ang nanay, praktikal ako kaya dun ako sa libre ng govt. Sinabi ko din nmn sa pedia ng anak ko, okay lang daw un, same lang. Kunin ko lang sa knya Rota virus kc wala nun sa center, PCV meron sa center nmin
Yung pedia namin naman he ask if san namin papa vax si baby sabi ko sa center. Sabi nya ok daw at yung mga wala sa center pwede sa kanila kukunin. Practical na po tayo dapat ngayon kasi sobrang dami ng gastos at habang palaki si baby di matapos tapos yung gastusan. Isa pa tax natin yung sa center kaya pakinabangan naman natin.😊
no.. wla pcv sa health center mostly at hindi po tulad sa private uubusin tlga nla ung isang shot ng vaccine sa bata unlike s center hinahati hati nla un pra mbigyan din ang iba.. sa private pedia q sis 3 shot ng pcv 4k each pro worth it nman for health security ng baby q.. nxt balik namin for pcv aftr 1yr old n nya.
Sa pedia kase isang bote uubusin Yun makikita MO ilalagay sa injection 1shot tas Yun label nun nasa note ilalagay Nila sa baby book Ng baby. 3 shot 3label Yun. Diko Lang Alam sa center Kung ganun ginagawa Nila
okay lang din naman sa center libre pa kasi mula naman sa tax natin un..mapakinabangan manlang natin ang tax natin hehe. malaki po tlga magagastos kung sa pedia same lang din naman po un.. ROTA ang wala sa mga health centers un ang pwede sa pedia.
Baby ko momsh mismomg pedia pa niya nagsabi na sa center na lang kami mag pa vaccine kz same lang naman daw rota lang yung kinukuha ko sa pedia kz wala nun sa center sa center mo nalang ipa immunize lo mo momsh para d mabigat sa bulsa
Ako now ongoing ang papa vaccine ni baby. Health center ako Pentavalent vaccine at oral polio vaccine 6 at 10 weeks ang na vaccine palang sakanya sis Si baby nmn nag sinat or lagnat ng 1 or 2 days lang.
hindi same, ung sa pedia daw usually di nagcacause ng lagnat, ung sa center magkakalagnat ang bata, tska hiwalay2 ang turok sa bata, unlike sa pedia 6in1 shots na.. mas ok din daw ung sa pedia talaga
6th 10th and 14th week ang penta vaccine or 5 in 1 sa center. On the 14th week dalawang tusok kasi hindi kasama sa 5 in 1 ung IPV vaccine.
Heidi Eguillos Brooks.